13Please respect copyright.PENANAjau2c2qL0p
Mainit ang ilaw. Maingay ang bookstore. Naroon ang pila—mga babaeng may bitbit na kopya ng librong may pamagat na:13Please respect copyright.PENANAfXgJ6GTuXZ
“Accidental Mistress: How I Left a Lie and Found Myself”13Please respect copyright.PENANA1j87ewo6wG
by Kyla Mercado
Naka-white wide-leg slacks siya at light blue blouse—eleganteng simple. Wala na ang dating pa-invisible na aura. Ngayon, she took up space—and rightfully so.
Lumapit ang isang babae, halos ka-edad niya.
“Miss Kyla… ako ‘yung nasa email last week. Ako rin po dati... na-third party nang hindi ko alam. Nawala lahat—trabaho, tiwala ng pamilya, tiwala ko sa sarili. Pero dahil sa blog mo… nabuo ulit ako.”
Tumayo si Kyla. Walang drama, walang fanfare. Niyakap niya ang babae. Mahigpit. Taos.
“Hindi mo kasalanan. Hindi ikaw ang mali,” bulong niya.
“Alam ko na po ngayon. Dahil sayo.”
Sunod-sunod ang mga nagpapapirma. Ilang media crew. Ilang dating kaklase. Ilang estranghero. Lahat—may dalang sugat, at ngayon, may kaunting lunas.
Pagdating sa huling libro, tinignan niya ang pahina, saka ngumiti.
Sa author’s signature line, isinulat niya ng buo:
“To every woman who was lied to—13Please respect copyright.PENANAb7VkXHAQa3
you are not the mistake.13Please respect copyright.PENANApEsvdBnQeO
Love,13Please respect copyright.PENANABCSa6LL4wo
Kyla Mercado.”
Pagkauwi niya sa bahay, inilapag niya ang natirang kopya ng libro sa shelf. Katabi ng picture frame na may masayang larawan ng pamilyang Mercado—sina Virginia, Solomon, at siya. Buo pa rin. Kahit ilang ulit siyang nawasak.
Lumapit siya sa salamin. Hindi siya nag-selfie. Hindi niya tinignan kung maganda ba siya.
Tiningnan niya lang ang sarili. Tahimik. Matapang.
Mistress?13Please respect copyright.PENANAmBaoPBSXzl
Hindi na.
Ngayon, master na siya—ng kanyang sariling buhay.
At sa wakas, hindi lang siya umaalis.
Siya na ang nagmamaneho.
ns216.73.216.206da2