11Please respect copyright.PENANAbzPjtkZYIg
Isang hatinggabi, habang umuulan, hawak ni Kyla ang laptop. Wala siyang balak magsulat. Pero ang mga daliri niya, tila may sariling isip. Nagbukas siya ng blog site. Gumawa ng account.
Username: AccidentalMistress
Una niyang entry:
“Hindi ko sinadyang mahalin ang lalaking may asawa. Hin
di ko rin sinadyang maging kalaban ng babaeng hindi ko naman nakilala. Ang kasalanan ko lang—naniwala ako.”
Sunod-sunod ang mga pahina. Ibinuhos niya lahat—ang karanasan, ang mga maling akala, ang pananahimik na tinanggap niya noon. Walang pangalan. Walang detalye kung sino. Pero bawat kwento, totoo.
Walang ilang oras, may nag-like. May nag-comment. “Ako rin.”11Please respect copyright.PENANAWEIorP8tWP
“Salamat sa tapang mo.”11Please respect copyright.PENANAB2lDkgAZhJ
“Hindi ko akalaing may katulad pala akong lumaban nang tahimik.”
Lumipas ang araw. Isang linggo. Dalawang linggo.11Please respect copyright.PENANA7uXigBXm6q
Ang blog na ginawa niya bilang paraang personal na catharsis, bigla na lang nag-viral.
Sa Twitter, may nagbahagi ng excerpt. Sa TikTok, may nag-narrate. Sa Facebook, may nagtanong kung sino ang matapang na babaeng nasa likod ng mga salita.
Pero si Kyla, nanatiling tahimik.11Please respect copyright.PENANAtapV7z7SGC
Hindi niya ginawa ito para sumikat.11Please respect copyright.PENANAdxaOVLb6ki
Ginawa niya ito para mapalaya ang sarili—at ang iba.
At sa unang pagkakataon, may naramdaman siyang bagay na matagal niyang hinanap…
Kapangyarihan.11Please respect copyright.PENANAiSWYmfV6XZ
Hindi dahil sinira siya—kundi dahil pinili niyang ayusin ang sarili.11Please respect copyright.PENANA2TZeaXKldM
Hindi na siya mistress sa kwento ng iba.
Siya na ang mastermind ng sarili niyang buhay.
ns216.73.216.206da2