25Please respect copyright.PENANAU6Lp97zyg1
Hindi para humingi ng tawad—kundi para tuldukan.
✉️ Kay Stephen:
Hi Stephen,25Please respect copyright.PENANABeTr4XItji
Naalala mo ba nung sabi mo, “Di ko kayang sabayan ‘yung mundo mo, Rax?”25Please respect copyright.PENANATOCT0gzYuT
Hindi ko agad naintindihan ‘yon. Noon, nasaktan ako. Ang feeling ko, ako ‘yung mali kasi masyado akong ambisyosa. Pero ngayon, naiintindihan ko na—hindi kita iniwan dahil kulang ka. Umalis ako kasi habang lumalaki ako, ikaw ay nanatiling takot.
Puppy love tayo, oo. Pero ‘yung sakit na iniwan mo? Totoo. Totoong napagod akong maghintay na piliin mo rin ako gaya ng pagpili ko sa'yo. Kaya salamat na rin… Dahil tinulungan mo kong unang matutong bitawan ang hindi para sa akin.
– Rax
✉️ Kay Benedict:
Ben,25Please respect copyright.PENANAiqc4vIjsN1
Sa lahat ng ex ko, ikaw siguro ‘yung pinakamabait. ‘Yung tipong walang sigawan, walang away, walang drama. Kaya lang may kulang, diba? At ‘yung kulang na ‘yon, tinago mo sa’kin. Tinago mo rin sa sarili mo.
Alam mo ba kung gaano kasakit malaman na lahat ng "tayo" ay pagtatakip lang sa totoong ikaw? Na ginamit mo ako para patunayan sa mundo—and maybe to yourself—na hindi mo kailangang tanggapin kung sino ka talaga?
Pero Ben, mahal kita noon. Totoo ‘yon. At kung totoong mahal mo rin ako, sana hindi mo ako ginamit na panakip-takot. Sana sinabihan mo ko, kasi baka sakaling naiintindihan kita.
Ngayon, naiintindihan na kita. Pero tapos na tayo. At okay lang.
– Rax
✉️ Kay Miguel:
Miguel,25Please respect copyright.PENANAXma3hcZ41T
Para kang project na hindi natatapos. Akala mo love is fixing each other. Akala mo love is control.
Bawat pagkain ko, bawat reply ko, bawat galaw ko—kinailangan mo pa bang pakialaman lahat? Tinawag mo 'kong "stubborn" nung pinili kong lumaban. Tinawag mo ‘kong "madrama" nung tinanong ko kung bakit kailangan mong diktahan ang buhay ko.25Please respect copyright.PENANA4Y50jqAEf6
Pero nung iniwan kita? Bigla kang naging biktima.
Miguel, hindi kita iniwan dahil hindi kita minahal. Iniwan kita dahil mas mahal ko ang sarili ko. Dahil gusto kong magdesisyon para sa sarili kong katawan, oras, at pagkatao.25Please respect copyright.PENANAoYIdHXHAcR
Hindi ko kasalanan na hindi mo alam ang hangganan ng pag-aalaga at pagkontrol.
Kaya 'yung tanong mong, "Kailan naging mali na maging ako?"25Please respect copyright.PENANAifbaEoSvEB
Ang sagot: Naging mali nung sinimulan mong burahin ako para mapanatili ang version ng "tayo" na ikaw lang ang nagsulat.
– Rax
✉️ Kay Sam:
Sam,25Please respect copyright.PENANA8izCBZ3mE0
Alam mong ikaw ‘yung relasyon na kinahihiya ko—hindi dahil sa’yo, kundi sa sarili ko.25Please respect copyright.PENANAirasUqDIGi
Pitong babae, Sam? Pitong beses kong pinatawad, pitong beses kong sinisi ang sarili ko kung bakit hindi kita mapanatili.
Margaux. Natasha. Belinda. Jasmin. Victoria. Katrina. Lorelie.25Please respect copyright.PENANAhaUZnkyLbq
Hindi ko sila kailangang alalahanin individually. Kasi pare-pareho lang ang dahilan kung bakit mo sila pinili: dahil kaya mong magsinungaling at ngumiti nang sabay.
Ang galing mong magsalita. “Mahal kita.” “Wala silang halaga.” “Hindi ko alam ba’t ko nagawa ‘yon.”25Please respect copyright.PENANA8rx1RXDDJ1
Pero ang totoo? Pinipili mo lang ako pag wala ka nang mapili.
At ang pinakamasakit? Pinili pa rin kita. Kahit ako mismo, hindi ko maintindihan kung bakit.25Please respect copyright.PENANAHSa5GVAi3P
Baka kasi nga gusto ko lang maniwala na kaya kong ipaglaban ang isang taong hindi ako ipinaglaban kailanman.
Pero tapos na.25Please respect copyright.PENANAEgBp7P849W
Hindi mo ako minahal. Ginamit mo lang ang idea ng pagmamahal para manatili ako sa tabi mo.
Ngayon, masasabi ko:25Please respect copyright.PENANAkOUZEoWtzZ
Mahal kita… pero mahal ba talaga ako ng taong tulad mo?25Please respect copyright.PENANAG503smJRn2
Hindi na importante ang sagot. Kasi ako na ang bumitaw.
– Rax
✉️ Kay Christian:
Christian,25Please respect copyright.PENANAauP9X4BDJE
Bakit mo ko pinili kung alam mong may taong naghihintay sa bahay?25Please respect copyright.PENANAlAbdTGKLre
Bakit mo ko inunahan magsabi ng "mahal kita," kung alam mong may mga batang tatawag sa'yong "Tay"?
Hindi ako martir. Hindi rin ako biktima.25Please respect copyright.PENANAaWIS10xTN7
Pero kahit anong tapang ko, hindi ko madedeny—ang sakit. Hindi dahil nawala ka. Kundi dahil pinaasa mo kong ako ‘yung pinili mo sa gitna ng responsibilidad mo.25Please respect copyright.PENANAGy0Y6nX0nZ
Na ako ‘yung kaya mong panindigan.
Pero nung nakita ko ang litrato natin sa social media, at may babaeng nagkomento na siya ang asawa mo?25Please respect copyright.PENANA8I55IRpSIQ
‘Yung pakiramdam ng pagiging kahihiyan? Ng pagiging panira?25Please respect copyright.PENANAkTFZLiMwbk
Hindi mo ‘ko pinrotektahan. Hindi mo ‘ko pinagtanggol. At higit sa lahat—hindi mo ko inamin.
Ako ang kabit.25Please respect copyright.PENANAIcmYhJSYwW
Ako ‘yung mali.25Please respect copyright.PENANAqBoBPP7G6b
Ako ‘yung ginamit.
Pero hindi ko na hahayaan na manatili akong gano’n.25Please respect copyright.PENANAbuo2x0HpCV
Patawad sa sarili ko, una sa lahat.25Please respect copyright.PENANA5cKs3yvc71
At salamat… kasi dahil sa'yo, mas naging matatag ako sa pagpili ng totoo. Ng malinaw. Ng hindi palihim.
– Rax
Final Words:
Hindi ito para sa inyo. Hindi ito para sa nakaraan.25Please respect copyright.PENANA7oVRIrBa2U
Ito ay para sa akin—para sa babaeng ilang beses nang nasaktan, niloko, nilihim, at iniwan. Pero patuloy na bumabangon, lumalaban, at natututo.
Tapos na ang kabanata n’yo sa kuwento ko.25Please respect copyright.PENANAXDsudzgnfW
At sa unang pagkakataon, ako na ang sumulat ng ending.
– Raquel “Rax” Bermudez
25Please respect copyright.PENANAIOEkMxDkXr