KABANATA 7 : Kung Kailan Tahimik ang Mundo
Dalawang linggo.
Labing-apat na gabi nang hindi nagpaparamdam si Jeanine sa singing app.
Walang notification ng “Jeanine has entered the room.”273Please respect copyright.PENANAncY4SIRNwi
Walang kalabit ng boses niyang masarap sabayan kahit nakapikit.273Please respect copyright.PENANAPiURHHMF5i
Walang sarkastikong hirit. Walang pang-asar. Walang awitin.
Tahimik.
At sa mundo ni Dominic, ang katahimikan ni Jeanine…273Please respect copyright.PENANA1agvNkqwzE
mas malakas pa sa bagyong dumaan.
Noong una, inisip niya baka abala lang.273Please respect copyright.PENANAcOi5Z4ybwR
Baka may family gathering, o kaya’y overloaded sa work.273Please respect copyright.PENANAUwk709KsHe
O baka… sadyang nagpa-pahinga lang sa online life.
Pero pagkalipas ng anim, pito, walong araw—hindi na siya mapakali.
Ilang beses na siyang nag-PM.273Please respect copyright.PENANAaXEQH7N93Z
"Hey, Jeanine. Hope you're okay."273Please respect copyright.PENANAwL3D72tGgF
"Namimiss ka na ng mic."273Please respect copyright.PENANAfYKnc9wt6C
"Sabihin mo lang kung gusto mong tumahimik. Pero sana wag ka sanang mawala."
Walang reply.
Kahit “seen,” wala.
Naisip niyang i-check ang private support group ng mga dating finalist sa app, kung saan parehong member sila. Doon niya nakita ang isang simpleng update mula sa co-admin:
“Please send strength kay Jeanine. Naka-schedule ang chemo niya today.”
Chemo.
Parang tinamaan si Dominic ng saksak sa dibdib.
Hindi siya agad nakagalaw.273Please respect copyright.PENANAXXFjyFNNQG
Hindi rin siya agad nakapagsalita.
Leukemia.
Stage 1 daw, ayon sa update.273Please respect copyright.PENANA3JRhJcsw7T
Namamana raw sa pamilya nila. Matagal nang alam ni Jeanine. Pero itinago.
Walang pa-blind item. Walang drama. Walang “pity post.”
Tahimik.
Gano’n kabigat, gano’n kababae.
Hindi na siya nagtanong.273Please respect copyright.PENANAB4NovRjumO
Hindi siya nagpilit ng kwento.
Ang ginawa ni Dominic?273Please respect copyright.PENANAyEhbVdMrHU
Araw-araw siyang nag-record ng kanta para kay Jeanine.273Please respect copyright.PENANAYaYINRWX5j
Isinend niya privately sa PM kahit walang reply.
Minsan acoustic.273Please respect copyright.PENANA6rQt29Xuqf
Minsan lullaby.273Please respect copyright.PENANATAP3WCxfR7
Minsan spoken poetry lang, gamit ang sariling boses.
Pero may isa lang siyang message lagi sa dulo ng recordings niya:273Please respect copyright.PENANAYuSXvkZyQx
“Di mo ako kayang i-mute, Jeanine.”
Pagkalipas ng halos dalawa’t kalahating linggo, isang gabi, bigla na lang siyang nagulat sa isang notification:
“Jeanine has entered the room.”
“DOMS. May utang ka sa’kin na kanta.”273Please respect copyright.PENANATAYYqYkLG2
Sambit ni Jeanine—live na live, same sarcastic tone, parang walang nangyari.
Napangiti si Dominic sa sarili niya habang nanlalamig ang mga palad niya.
She’s back.
Pero mas higit pa sa pagiging masaya…273Please respect copyright.PENANA2dkubzfOye
nabigla siya.
Kasi pagpasok ni Jeanine sa stream, parang wala talagang pinagdadaanan.
Hindi mo makikita sa mga mata niya ang pagod.273Please respect copyright.PENANAYQt91JF1wo
Hindi mo maririnig sa boses niya ang lungkot.273Please respect copyright.PENANAMGsh5K0yD6
Walang bakas ng hirap, kahit pa kakatapos lang daw ng cycle ng chemo therapy.
Kumanta siya ng “Rise Up” by Andra Day.
At sa bawat linya, damang-dama ni Dominic ang tahimik na sigaw ng kaluluwa ng isang babaeng nilalabanan ang sakit sa pamamagitan ng musika.
“I'll rise up, I'll rise like the day273Please respect copyright.PENANAd87Zfc9WTV
I'll rise up, in spite of the ache…”
Hindi siya nag-break.273Please respect copyright.PENANAUhe8venpir
Hindi siya naupo sa kalungkutan.273Please respect copyright.PENANACRi610nOq2
Walang kahit anong emosyon ang bumara sa boses niya.
Perpekto.
Pagkatapos ng kanta, nagulat ang lahat nang ngumiti siya sa camera.
“Okay. Next song tayo. Pero uminom lang muna ako ng meds. Pampalakas boses.”
Tawa ang lahat.
Pero sa gitna ng mga komento, may isang nagtanong:
“Ate Jeanine, totoo po ba yung sinabi sa group na may sakit ka?”
Biglang natahimik ang stream.
Si Dominic, hinintay ang sagot habang nakapikit.
Tumingin si Jeanine sa camera. Hindi nakangiti. Hindi rin umiwas ng tingin.
“Stage 1 leukemia. Pamilya namin, may lahi raw talaga. Swerte ko at maaga nahuli.”
Tahimik.
“Pero wag kayong mag-alala,” dagdag niya,273Please respect copyright.PENANAMfpWppdTjm
“Hindi ako papatumba nang walang laban. At definitely, hindi ako aalis sa app na ‘to na walang farewell concert. Kaya chill lang kayo. Mas matagal pa akong kumanta kaysa sa sakit na ‘yan.”
Umulan ng mga heart reacts at "laban" comments.273Please respect copyright.PENANAif2F7oP0mS
Pero si Dominic?
Tahimik lang siyang nakatitig sa screen, pilit nilulunok ang buhol sa lalamunan niya.
Makalipas ang stream, sinubukan niyang tawagan si Jeanine privately.273Please respect copyright.PENANAzkHuKfJ6kz
Nagulat siya nang sinagot ito sa unang ring.
“Oh, the admin is alive!”273Please respect copyright.PENANA91lNJndocB
bati ni Jeanine.
“And you—di mo man lang sinabi. Two weeks, Jeanine.”
“Doms…”273Please respect copyright.PENANAeF9FLr4HJG
Seryoso ang tinig ni Jeanine. “Anong gusto mong marinig? Na natakot ako? Oo. Na nahirapan ako? Oo rin. Pero ano ba, magpaawa ako sa’yo sa chat?”
“Hindi. Pero sana pinaalam mo. Sa akin lang.”
May katahimikan.
Saka siya sinagot ni Jeanine:273Please respect copyright.PENANAAls4FSd9Di
“Ikaw lang talaga ang may karapatan sa ganon?”
Hindi niya alam kung paano sumagot.273Please respect copyright.PENANAxm9iieHlYo
Pero ramdam niya ang sakit sa tinig nito.
Pagkaraan ng ilang segundo, muling nagsalita si Jeanine.
“Doms, ayoko ng pity. Ayoko rin ng silence. Kaya bumalik ako. Kasi gusto kong maramdaman na hindi lang ako may sakit—kundi isa pa rin akong singer. Isa pa rin akong ako.”
At doon, tuluyang bumagsak ang mga luha ni Dominic—tahimik, hindi drama. Hindi dahil sa awa.273Please respect copyright.PENANALpwyBrSHeg
Kundi dahil sa paghanga. Sa lalim. Sa tapang.
“Alam mo,” sambit niya,273Please respect copyright.PENANAABVnXZZwdi
“ikaw ang pinakamasayang malungkot na taong nakilala ko.”
Tumawa si Jeanine.
“At ikaw ang pinaka-praning na admin.”
Nagsimula silang tumawa.
Sa gitna ng mga luha at tawa, natahimik ulit si Dominic.
“Pwede bang ako na lang ang maging lakas mo kung sakaling mapagod ka?”
“Doms…”
“Wala lang. Tanong lang. Di mo naman kailangang sagutin ngayon.”
Sa kabilang linya, maririnig mo lang ang hinga ni Jeanine. Mabagal. Malalim.
Saka siya bumulong:
“Sige. Pero pakisigurong hindi ka madaling mapagod, ha?”
At sa gabing ‘yon, habang pinapakinggan niya ulit ang last recording ni Jeanine,273Please respect copyright.PENANAv2EQXnCfTp
alam na niya—
Sa bawat nota ng sakit,273Please respect copyright.PENANAst6zdxdbA3
nandoon ang himig ng pag-asa.273Please respect copyright.PENANANyNrxj3u8n
At ang pangalan ng kanta… ay Jeanine.


