KABANATA 29: Ang Totoo
Pagkatapos ng podcast, tahimik lang ako.
Hindi ko siya chinat. Hindi ko rin kinumusta kung okay lang siya after nun. Gusto ko lang muna manahimik, magpahinga, mag-isip.
Pero si Jeanine?
Hindi siya matahimik.
Gusto niyang mag-away kami.
Sinadya niya akong i-mention sa story na "some people would rather stay silent than acknowledge the damage their beliefs do." Tapos tinag ako sa isa pang quote post: "When someone refuses to be uncomfortable for the truth, they’re choosing peace at the cost of someone else’s war."
Alam kong ako ‘yon.
Alam kong gusto niyang patulan ko siya.15Please respect copyright.PENANAUmTC3akZmE
She's provoking me.
Pero pinili kong wag. Pinili kong magpakalalim, magpaka-calm, kahit hindi talaga ako yun. Pinili kong irespeto ang pain niya kahit sinusunog na niya ako sa harap ng mga tao.
Hanggang sa...
Tumawag si Mama.
📞 Mama Ellen
“Hello Ma?”
“Boy,” bungad agad niya, “napanood ko yung podcast niyo. Ang kapal ng mukha ng babaeng ‘yan! Ang daming sinabi tungkol sa Diyos—wala namang respeto! Tapos ang dating parang ikaw pa yung mali? Ginagamit niya lang ang platform mo para magmukhang matalino!”
Tahimik lang ako.
“Ma, wag na natin pag-usapan. She’s just—”
“Just what? Just being her ungodly self? Eh bakit mo pa siya kinakausap ha? Eh ‘di ba sinabi ko na sa’yo dati, layuan mo na ‘yang babaeng ‘yan? Sinumbong na ba niya? Sabihin mo nga sa’kin—sinabi na ba niyang kinausap ko siya privately?”
Napakunot ang noo ko.
“Anong sinabi, Ma?”
At dun na bumagsak ang totoo na hindi ko kailanman inasahan:
“Oo boy. Kinausap ko ‘yang babae. Nung una mo pa lang siyang pinakilala sa’min. Sinabi ko sa kanya—layuan ka niya. Hindi siya magandang kasama mo. Masisira image mo. Baka sabihin ng tao, ginagamit ka niya. At baka nga totoo—baka kaya lang siya nandyan kasi may pera ka na ngayon!”
Natigilan ako.
Hindi ako makahinga. Hindi ako makapagsalita.
Ang lahat ng tanong sa puso ko mula pa noon, biglang nagkaroon ng sagot. Ang mga cold replies ni Jeanine, ang unspoken resentment niya sa mga parents ko, ang gradual na paglayo niya sakin… lahat may dahilan.
Hindi pala siya basta nawala.
Pinaalis siya.
At ang pinakamasakit? Hindi niya sinabi. Ni minsan, hindi niya ako sinumbungan. Kahit puwede. Kahit may karapatan siya.
“Ma…” mahina kong sabi. “Totoo ‘to?”
“Eh oo nga! Aba eh anong akala mo, anak? Ako pa rin ang nanay mo. Alam ko kung sino ang mabuti para sa’yo. Eh ‘yang babaeng ‘yan—masyado siyang matalino para sa sarili niya. Palaban. Tingin mo ba aasenso ka sa ganyang kasama? Ginagamit ka lang n’yan—kasi may milyon ka na.”
😡 At Dun Ako Sumabog
Hindi ko na napigilan.
“Wag mong sabihin ‘yan, Ma.”
“Ha? Boy—”
“WAG MO NANG SABIHIN YAN, MA!”
Bumagsak ang katahimikan sa pagitan namin. Parang ako mismo ang kidlat na bumiyak sa linya ng telepono.
“Jeanine never asked for money. Kahit piso, Ma. Hindi siya nanghihingi. Hindi siya naniningil. Alam mo kung sino ang nagturo sa’kin mag-ipon? Siya. Alam mo kung sino ang nag-push sa’kin na huwag sayangin ang kita ko? Siya rin. Kaya ko nga naabot yung unang million ko kasi natuto akong magpakumbaba’t magpahalaga sa bawat sentimo—dahil sa kanya.”
Tumigil siya. Pero ako, hindi.
“Hindi siya ang sumira ng image ko, Ma. Ikaw. Ikaw ang nanira sa relasyon namin. Ikaw ang humusga agad—nang hindi mo siya kilala. Paano mo nagawang sabihan ang isang babae na layuan ang anak mo, privately, tapos hindi mo pa pinaalam sa’kin?”
Walang sagot. Pero ramdam ko ang tension sa kabilang linya.
“Tapos ngayon may lakas ka pa ng loob na sabihing ginagamit niya lang ako?” tuloy ko pa, namamalat na ang boses. “Mas malaki pa ang kita niya sakin dati! Kung wala siya, hindi ako makikilala sa singing app! Wala akong alam sa streaming, sa audience engagement, sa playlists—lahat yun tinuro niya.”
Lumuha ako. Hindi ko alam kung dahil sa galit, guilt, o pagkabigo.
“Hindi siya sumuko sa’kin, Ma. Ikaw ang gumawa ng paraan para bumitaw siya.”
💔 When Silence Is the Only Loyalty You Have Left
That night, hindi na ako tinawagan ni Jeanine. Hindi ko rin siya tinawagan.
Pero ang bigat ng puso ko hindi dahil galit pa ako sa kanya—kundi dahil pinatunayan niyang mas pipiliin niyang masaktan kesa saktan ako.
Hindi siya nagsumbong.
Hindi niya sinabi.
Hindi niya ginamit 'yung katotohanan bilang bala sa laban namin.
Instead, she stayed silent.
And somehow, that kind of silence screams more love than any apology.
ns216.73.216.237da2