KABANATA 2 : Wais na Pasaway
May mga batang mabait.17Please respect copyright.PENANA5He0WfXs0s
May batang matalino.17Please respect copyright.PENANA3VClDVQG79
At may batang... tuso.
Ako ‘yung pangatlo.
Hindi ako laging napupuri sa honor roll, pero kilala ako ng buong faculty. Hindi dahil terror ako, kundi dahil lagi akong may pakulo. Kung hindi ako ang pasimuno ng sabayang paglalabas ng papel sa ilalim ng bag tuwing may seatwork, ako ‘yung may kopya ng reviewer ng susunod na quiz — hindi dahil nangongopya ako, kundi dahil napapansin kong pare-pareho lang ang tanong ni Ma’am.
Naalala ko, Grade 5 kami noon. Halos kalahati ng klase ang bumagsak sa Math quiz. May formula si Ma’am na hindi niya masyadong naipaliwanag, tapos ang bilis ng tanong. Ako lang ang nakapasa. Hindi dahil genius ako — kundi dahil tinignan ko ‘yung mga pattern sa dating exams. Sabi ng iba, swerte raw ako. Pero para sa akin, hindi swerte ‘yun. Observasyon ‘yun. Diskarte.
Madalas, sinasabi ni Mama,
“Dominic, hindi lahat ng matalino ay wais. Pero ang mga wais, kadalasan, mas nakaka-survive.”
At mukhang ‘yun talaga ang papel ko sa mundo — ang maging wais. Lalo na sa mga sitwasyong hindi pabor sa’kin.
Noong isang beses, napilitan akong magbenta ng yema sa school. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil may project kami at walang pambili ng materials. In short, kung gusto kong makasali, kailangan kong maghanap ng paraan.
Gumawa ako ng 25 piraso. Nilagay sa maliit na lalagyan. Bente isa. Kasi ‘yung apat, tinikman ko muna — for “quality control.” (Siyempre, kailangan kong siguraduhing masarap.)
Sa halip na lumapit sa mga kaklase, tinarget ko ‘yung mga teachers.
“Ma’am, pang-energy po habang nagtuturo.”17Please respect copyright.PENANAiyGaIXrCoz
“Sir, pampatamis ng mood.”17Please respect copyright.PENANACDB1j8n5gM
“Miss, baka gusto n’yong pang-meryenda ‘yan habang nagche-check kayo ng papers.”
Hindi ako marunong mahiya kapag kailangan.17Please respect copyright.PENANAXz9NrjoLsd
Hindi ako palaban, pero hindi rin ako sumusuko.17Please respect copyright.PENANAwCOCEvraIT
At ang pinakamatindi: sa bawat ‘pasaway’ kong diskarte, may baong rason.
Naalala ko rin noong Grade 6, naipadala ako sa guidance office. Wala akong sinaktan. Wala rin akong minura. Pero nahuli akong pinapasa ang maliit na papel sa likod ng classroom. Akala ni Teacher, love letter. Akala niya, ako ‘yung nambubuyo. Pero totoo, ‘yun ay sagot sa tanong ni Kenneth kung anong page kami sa Science.
Pagdating sa office, tinanong ako ng guidance counselor,
“Dominic, bakit ka ba pasaway? Mabait ka naman, pero parang may sariling mundo.”
Sinagot ko siya ng totoo:
“Hindi po ako pasaway. Hindi lang po ako palaban sa tamang sagot.”
Tahimik siya.17Please respect copyright.PENANAoUIXLubpdT
Ngumiti.17Please respect copyright.PENANAxBonH8tWrb
Sabi niya, “Ikaw ang klase ng batang dapat turuang mangarap. Kasi marunong kang makiramdam. Marunong kang gumalaw.”
At sa loob-loob ko, alam kong hindi niya ako binola. Kasi hindi rin ako nanlilito ng tao. Lahat ng ginagawa ko, may dahilan. Hindi para sa sarili lang. Kundi para makatawid. Para makaraos.
Dumating ang high school — mas matindi ang laban. Mas malaki ang pangarap, pero mas malalim ang kakulangan. Maraming bayarin. Maraming kailangang uniform. Maraming kailangang i-submit. Pero isa lang ang problema: kulang ang budget.
Ang solusyon ko?
Nag-resell ako ng ballpen, pad paper, sticker, kahit candies. Bumibili ako nang maramihan sa divisoria, pinapalit sa sariling packaging gamit ang colored paper at gunting. Sa likod ng notebook ko, may listahan ng mga utang ng kaklase. Kung siningil ko lahat ‘yun, baka nakapagtayo na ako ng mini sari-sari store sa classroom.
Isang araw, tinawag ako ng principal.
“Dominic, nakarating sa amin na nagbebenta ka raw sa loob ng school premises?”
Akala ko suspended na ako. Pero sa halip na sermon, inaya niya akong sumali sa school bazaar. “Gamitin mo ‘yang galing mo. Pero gawin nating legal.”
Doon ako unang natutong magnegosyo nang may permiso.17Please respect copyright.PENANAMeD5s5Y5oI
Unang natutong mag-costing.17Please respect copyright.PENANAp040baozhh
Unang natutong magbigay ng sukli kahit walang calculator.
Pero higit sa lahat, unang beses kong naranasang pwedeng pagsabayin ang “likas mong talino” at “likas mong diskarte” — basta alam mong wala kang tinatapakan.
Siyempre, hindi lahat ng pasaway ay admirable. Minsan, nasusubok din ako. Naalala ko nung 2nd year ako, napikon ako sa kaklaseng panay ang sabing “ampun ka naman e.” Hindi ko siya sinuntok, pero sinabihan ko siya ng mga salitang... hanggang ngayon, ayokong ulitin.
Umiyak siya. Tinawag ang adviser. Tinawag si Mama.
Pero sa halip na sermon, sabi lang ni Mama:
“Dominic, ang talino mo. Pero gamitin mo ‘yan sa pagbuo ng respeto, hindi sa pagkasira ng tao.”
Masakit, pero totoo.
Doon ko natutunang ang pagiging wais ay hindi lang tungkol sa diskarte sa buhay. Kundi pati diskarte sa puso — kung paano pipiliin ang tama kahit may dahilan kang magkamali. Kung paano mo iingatan ang sarili, pero hindi sasaktan ang iba.
At ang pinakaimportante:17Please respect copyright.PENANAAfCIjiMfBK
Kung paano mo ikakabit ang pangalan mo sa mga bagay na marangal — kahit sabihing "pasaway" ka, alam mong kaya mong ipaglaban ang kabutihan mo.
Ngayon, habang sinusulat ko ‘tong notepad na ‘to, binabalikan ko ang batang Dominic — tuso, palusot, pero buo ang prinsipyo.
Hindi ako naging top 1 sa klase.17Please respect copyright.PENANAtV7aGdBftS
Hindi ako naging president ng student council.17Please respect copyright.PENANAroBb9Wu0fy
Pero ako ‘yung batang pinagkakatiwalaan pag may kailangang ayusin.17Please respect copyright.PENANAmEDg0teq4C
Ako ‘yung tinatawag para mag-host ng programa.17Please respect copyright.PENANAvyDR9AJDmB
Ako ‘yung sinasabihan ng:
“Dominic, ikaw na bahala.”
At hanggang ngayon, dala ko ‘yun.17Please respect copyright.PENANAX0aeAN3Hzq
Sa negosyo, sa relasyon, sa buhay — dala ko ang pagiging "wais na pasaway."17Please respect copyright.PENANAXPsYKsBZtW
Yung hindi sumasabay sa agos lang, kundi marunong sumisid pag kinakailangan.17Please respect copyright.PENANADXLoTRkJVN
Yung hindi basta sumusunod, kundi marunong magtanong.
Kasi hindi ko piniling maging mahirap.17Please respect copyright.PENANAM9RFL4CmRy
Hindi ko piniling maging ampon.17Please respect copyright.PENANABYLKK4I9W5
Pero pinili kong maging matalino sa mga paraang hindi laging nasa libro.
Wala man akong medalya,17Please respect copyright.PENANAXJoLpPvKX0
Pero may mga taong tumatango kapag sinasabi ko ang opinyon ko.17Please respect copyright.PENANAZjASRltw89
May mga batang lumalapit para humingi ng advice.17Please respect copyright.PENANAjidQEHiWvd
May mga kaibigan na nagsasabing,
“Buti ka pa, Dom. Laging may paraan.”
At doon ako panalo.
Kasi ang tunay na wais, hindi lang basta nakakalusot —17Please respect copyright.PENANA4zdIz9S9Kx
Nakakatulong. Nakakapagbigay. Nakakapagturo.
17Please respect copyright.PENANAl68orUaqKV
Hindi ako bayani.
Oo, lumaki akong salat, marunong magsakripisyo, marunong tumanggap. Pero ‘wag kayong palinlang. Ang batang kayang tiisin ang gutom, kayang tiisin din ang konsensya — lalo na kung barkada na ang tumatawag.
Tamad ako. Sa totoo lang, kahit sabihin mong may utak ako, hindi mo rin ‘yan mapapansin sa mga grado ko.
Mas interesado pa ako sa “ano plano mamaya?” kaysa sa lesson plan ng guro naming si Ma’am Sison na kahit secondhand na projector, tinitiis para lang magturo ng maayos.
Pagpasok ng hapon, halos wala akong pake sa lecture. Kung hindi ako nagdo-drawing ng graffiti sa likod ng notebook, kasama ako ng tropa sa gilid ng hallway, nagtatawanan, nag-aasaran, nagbabangkaan. Minsan nga kahit test paper, ginagawa naming papel para sa “bartending” — gamit ang sachet ng kape, milo, at asin. Experimental drinks ng mga bored na tamad.
Hindi kami kriminal. Pero sige, borderline stupid.
At sa mundo naming ‘yon, ako si Dom — makulit, mabilis magpatawa, at kahit papano, may respeto pa rin. Hindi ako siga, pero hindi rin ako pa-cute. ‘Yung tipong “lahat kilala siya” kasi marunong makisama, kahit walang ambag na assignment.
Doon din ako unang nadawit sa fraternity.
San Pedro University may ilan lang ‘yan, pero kilala ‘yung mga brotherhoods sa campus. Hindi ‘yung tipong maangas na pambaliktad ng classroom chairs—mas ‘yung underground na inuman sa rooftop ng annex building. May code names, may initiation, may “kung isa sa amin, isa sa'yo” na mentalidad.
Sa totoo lang, hindi ako dapat mapasama. Pero si Alvin, tropa ko since Grade 5, nagdala sa’kin. Sabi niya:
“Dom, dito ‘yung mga totoong kapatid.”
Hindi ko man sinabing “oo” agad, pero nagpakita ako. Unang beses kong sumama, gabi ng Miyerkules. May tanikala ng ilaw sa likod ng gym, mga bote ng Tanduay, at isang speaker na panay Basshunter.
Pinasalubungan ako ng pulutan at dalawang tanong:17Please respect copyright.PENANANddMlxyh58
“Alam mo bang walang atrasan dito?”17Please respect copyright.PENANAhjDehzyEsP
“Handa ka bang ibigay ang lahat sa mga kapatid mo?”
Sabi ko lang, “Hindi pa ako sigurado kung anong ibig sabihin no’n, pero kung kayang palitan ng samahan ang gutom — edi tara.”
Tawa sila. Tanggap ako.
At doon nagsimula ang isa sa pinakamasayang, pinaka-kalokohang yugto ng buhay ko.
May mga gabing umuuwi ako na hindi ko alam kung paano ako nakalakad. May mga umaga ring wala akong sagot sa tanong ni Nanang kung bakit amoy alak ang hininga ko kahit Biyernes pa lang.
At sa mga gabing ‘yon, isang pangalan ang lagi kong naiisip:17Please respect copyright.PENANAKnfsW0cCUH
Estella.
Kung ako ay usok, siya ang tubig.17Please respect copyright.PENANA6WA6bdJwHs
Kung ako ay alon, siya ang buhangin.17Please respect copyright.PENANAP6bdJfUdOj
At kung ako ay perwisyo, siya ‘yung panalangin ng magulang mong sana mabait ang mapangasawa mo.
Estella Corea.
Maputi, maliit, may mahabang buhok at mata na parang laging may iniisip. Tahimik siya. Pero pag nagsalita, parang hindi mo pwedeng kontrahin. Hindi siya mataray. Matino lang. At mahinhin sa level na parang hindi puwedeng sumayaw sa mga school event kasi baka mabastos ang hangin.
Nagkakilala kami dahil pareho kaming nasa journalism club. Siya ang writer. Ako ang “nagpapatawa.” Literal. Kasi binigay lang sa’kin ‘yung posisyon para hindi raw ako mang-gulo sa klase. Pero kahit pa-petiks ako, masipag si Estella — at hindi niya ako sinukuan kahit wala akong ambag.
Ang totoo, hindi ko naman talaga niligawan si Estella. Parang kusa siyang napadikit. O baka siya ‘yung unang nakakita ng kakulangan ko at sinabing: “Sige, kaya pa ‘yan.”
Wala siyang hilig sa frat. Ayaw niya sa barkada ko. At kung siya lang masusunod, dapat nasa library ako tuwing hapon, hindi sa rooftop ng annex.
Pero kahit gano’n, mahal niya ako.
Hindi ko rin alam kung bakit.17Please respect copyright.PENANAWHx1o93N9t
Hindi ko rin sinamantala—hindi agad.
Pero si Estella, siya ‘yung unang babaeng hindi ko hiningi pero dumating.
At sa isang gabing hindi inaasahan, siya rin ang unang babaeng naging akin.
Itago natin ang detalye. Hindi ko siya minani. Hindi ko siya pinilit. Hindi ko siya inuto.
Sa murang gulang namin, siguro may kamangmangan, may kabaliwan, may pagka-dramatikong akala mo ‘yon na ang forever. Pero ang totoo—nang hawakan niya ang kamay ko no’ng gabing ‘yon, hindi siya takot.
Siya pa ang nagsabi:17Please respect copyright.PENANAuUonyGLVkS
“Alam kong hindi mo ako hinihingi, pero ito ako. Buo. At sa’yo lang.”
Wala akong planong may mangyari. Walang kandila. Walang plinano. Pero may damdaming mas matindi sa takot, mas malalim sa pagnanasa. At iyon ang pagiging totoo. Wala kaming ibang hawak kundi ang kabataan at damdaming hindi namin lubos maintindihan.
Pagkatapos, tahimik lang kaming magkatabi. Pinapakinggan ang tibok ng puso sa gitna ng dilim.
Sabi niya, “Tandaan mo, Dom. Kahit hindi mo ito hiningi, hindi ko rin ito ibinigay dahil gusto kong suklian. Ibinigay ko ito kasi pinili kita.”
At doon ako tuluyang natakot.
Kasi hindi ko alam kung kaya kong alagaan ang isang regalong hindi ko kayang tumbasan.
Hindi ako tumino agad pagkatapos no’n.
In fact, naging mas tamad ako mag-aral. Mas sumama pa ang attendance ko. At mas napalapit ako sa mga kapatid ko sa frat. Kasi feeling ko, kung wala akong kakayahang maging honor student, baka puwede pa akong maging “legend” sa tropa.
Pero kahit anong kalokohan ang gawin ko, palaging nando’n si Estella. Tahimik pero present. Hindi umiiyak. Hindi nangungulit. Pero sa mga mata niya, laging may tanong:
“Hanggang kailan mo tatakasan ang sarili mo?”
Hindi ko pa alam ang sagot noon. Ayokong sagutin. Kasi kung aaminin ko na may halaga ako, kailangan kong panindigan. At kung paninindigan ko, kailangan kong magbagong buhay.
At hindi pa ako handa.
17Please respect copyright.PENANA6WcS26K701