Chapter 14 – Patibong ng Nakaraan131Please respect copyright.PENANAfTZ4cjIWj8
“Ang pinakamalalim na sugat ay yung galing sa taong minahal mong buo.”
POV: Mikaella
Akala niya… sapat na ang paliwanag.131Please respect copyright.PENANAOcZaYDivfY
Na matapos niyang buksan ang lihim ng limang taon, babalik kahit papaano ang tiwala.131Please respect copyright.PENANADpiP3wSwp0
Pero hindi pala ganoon kadali buuin ang isang basag na salamin—lalo na kung bawat piraso ay may dugo.
Ngayon, habang sinusundan ng tingin ni Alex ang bawat kilos niya, ramdam niyang nasa manipis na lubid siya. Isang maling galaw, isang maling salita—mawawala na naman siya.
Pero hindi na niya kaya.131Please respect copyright.PENANAAyiaZtbDEg
Ayaw na niyang muling mawala sa buhay ni Alex.
Kaya kahit may pangamba, bumalik siya.131Please respect copyright.PENANAE9JSNzzaVB
Hindi lang para humingi ng tawad—kundi para lumaban.
Ang hindi lang niya inaasahan… ay ang pagbabalik ni Riel.
POV: Alex
Muli niyang nakita si Mika. Ang mga mata nito, hindi na tulad ng dating Mika na palaban at suwail. May lungkot. May pangako.
Pero bago niya pa mabigyan ng kahit anong sagot—dumating si Riel.
Riel Villanueva.131Please respect copyright.PENANAvp48eDAGOq
Dating ka-club. Dating kakampi.131Please respect copyright.PENANAJY6i6fEiTx
Ngayon, isa nang sinungaling.
“Ang tagal mong nawala, Mika.”131Please respect copyright.PENANASNRTuychea
Pormal ang tono ni Riel, pero may bahid ng galit.131Please respect copyright.PENANAPOHJhqxlmV
“Dahil ba kay Salvador? O dahil mas pinili mong umalis kasama si Emerick?”
Nagdilim ang paningin ni Alex.
Emerick?
Mikaella's mouth opened—but no sound came out.
“Hindi mo sinabi sa kanya?” Ngiti ni Riel, lason sa pagitan ng mga ngipin. “Akala mo walang makakaalam? Na habang naghihirap kami dito, ikaw… masaya kasama siya?”
“Tama na, Riel.”131Please respect copyright.PENANAKFpQp9mglz
Mika’s voice trembled. “Hindi mo alam ang buong kwento—”
“Wala na akong pakialam sa kwento mo,” singit ni Alex.131Please respect copyright.PENANAu30llDbDAx
Matigas. Masakit.131Please respect copyright.PENANAYLz54rvx9C
At kung puwedeng suntukin ang sarili para hindi ito masabi—gagawin niya.
POV: Riel
Perfect timing.
Sa loob ng limang taon, hindi siya nawalan ng pag-asa. Hindi lang dahil kay Mikaella—kundi dahil sa posisyong matagal na niyang inaasam: ang pagiging hari ng karera.
Pero habang naroon si Alex Cordova, lagi siyang pangalawa.
Kaya ang pagbabalik ni Mika?131Please respect copyright.PENANA7gmH6vRw9y
Swerte.131Please respect copyright.PENANAWTZOXUHth6
Pero ang galit ni Alex na siya mismo ang muling nagpaliyab?
Mas swerte pa.
Sasaktan ni Alex si Mika sa galit.131Please respect copyright.PENANAENSwIQXU63
At kapag iniwan ito muli ni Mika sa takot—doon siya papasok.
“Ngayon, Alex… hindi ko kailangang talunin ka sa daan.131Please respect copyright.PENANAUiQlhyq1RJ
Papatayin kita sa loob mo.”
Teaser for Chapter 15 – Lihim, Alon, at Alab
Habang bumabalik ang mga multo ng nakaraan, lalong lumalalim ang sugat sa pagitan ni Alex at Mika. Sa isang gabing mahangin at mapanganib—ang pagpili ni Mika kung kanino siya papanig ay maaaring magbago ng lahat.
ns216.73.217.19da2


