KABANATA 2 :Heart Check
Isang linggo bago magsimula ang finals week, tila may ibang kabog na ang puso ni Roni habang papasok siya sa classroom.
Hindi dahil sa exams.
Kundi dahil sa kanya.
Si Migs. Nakatulog sa desk niya, nakapatong ang braso sa mukha. Tila napagod na bata. Kumakapit pa sa mechanical pencil na paborito niya—yung kulay asul na binigay ni Roni noong birthday niya last year.
Roni smiled, small and soft.
Kung hindi lang talaga siya matigas, baka naamin na niya sa sarili noon pa. Pero paano kung si Migs ay hindi pa rin sigurado? Paano kung masira ‘yung matagal na nilang best friendship dahil sa isang damdaming hindi sigurado kung may kapalit?
Nilapitan niya ito, saka maingat na tinakpan ang exposed niyang braso ng extra jacket.
“Tulog ka, pero wag mo rin akong biglaang tulugan forever, ha?” bulong niya, halos hindi na niya naririnig ang sarili sa lakas ng tibok ng dibdib niya.
Bigla siyang napatigil nang may tumapik sa balikat niya.
“Hi, excuse me... dito ba ang STEM 12-B?”11Please respect copyright.PENANA1WJnkxR5BY
Ang boses ay bagong-bago, may accent, may kislap.
Pagharap niya, isang matangkad, makinis, maamong babae na may mahahabang buhok ang nakangiting nakatayo sa harap niya.
“Ah, yes... dito nga. Ikaw ‘yung transferee?” tanong ni Roni.
“Yup. I’m Marianne,” sabay abot ng kamay. “Hi!”
Nag-abot sila ng kamay.
“Ronaliza. Roni na lang. Welcome!”
Biglang dumilat si Migs. Medyo groggy.
“Anong—sino ‘yan?” sabay upo at kusot ng mata niya.
“New student. Si Marianne,” sagot ni Roni.
Tumingin si Marianne kay Migs at ngumiti. “Oh, hello! Cute mo ha,” sabay kindat.
Napatingin si Roni sa dalawa. Hindi siya prepared sa reaction ng katawan niya—kakaibang kiliti sa sikmura, para bang may nanalo sa raffle pero hindi siya ‘yon.
Migs blinked. Medyo nahiya. “Ah... salamat? Migs nga pala.”
“Well, Migs,” sabi ni Marianne, “I guess I’ll see you around.”
At parang scripted na romcom scene, si Marianne ay dumaan sa pagitan nila, kasabay ng pagkislap ng hair clip niya at bango ng imported perfume.
Canteen, lunch break
“Bakit hindi mo naubos pancit mo?” tanong ni Migs habang nginunguya ang kanyang kikiam.
“Wala akong gana,” sagot ni Roni.
“Masama ba pakiramdam mo?”
“Masama loob ko—sa sarili ko.”
“Ha?”
“Wala. Gutom lang siguro.”
Pero kahit sinubukan niyang itago, nakita ni Migs ang pagbabago. Hindi niya alam kung bakit. Pero ramdam niya—at nainis siya.
“Gusto mo kasing lagi ako lang kausap mo, ‘no?”
Napatingin si Roni. “Hindi ‘yan ang point.”
“Then ano? Kasi kung tungkol kay Marianne, Roni, hindi ko siya pinapansin para lang patulan mo.”
“Teka lang,” bumuntong-hininga si Roni. “So aaminin mong may gusto ka rin sa kanya?”
“Wala nga!” halos pasigaw si Migs.
Tumahimik si Roni. Tinulak ang tray palayo.
Tumayo siya.
“Saka na lang tayo mag-usap, Migs. Kung kailan malinaw na ulit ang utak natin.”
Later That Day – Bahay ni Migs
“Anong sinasabi ko sa’yo, anak?” bulong ni Lola Milagring habang naglalagay ng hot choco sa harap ni Migs. “’Pag iniiwasan mo ang katotohanan, mas malakas ‘yung epekto.”
“’La, wala namang nangyari—nag-away lang kami,” depensang sagot niya.
“Sa puso mo siguro, walang nangyayari. Pero sa kanya? Alam mo ba kung gaano kahirap mahalin ang taong hindi marunong sumagot?”
Hindi sumagot si Migs.
“’La, kung magtapat ako… paano kung mawala siya sa’kin?”
“Kahit hindi ka magtapat, anak… unti-unti rin siyang mawawala kung ganyan ka.”
Meanwhile – Bahay ni Roni
“Anak, napapansin ko lang…” sabay lapit ng mommy niya habang siya’y nagsusulat ng notes. “...parang nawawala ka sa sarili mo nitong mga araw.”
“Okay lang ako, Ma.”
“Si Migs ba?”
Napapikit si Roni. Hindi niya akalaing ang nanay niya pa ang unang maglalabas ng pangalan ni Migs.
“Alam mo, Roni, matagal ko nang alam. Hindi mo kailangan itago.”
“Alin po?”
“Na baka mahal mo na ang bestfriend mo.”
Tahimik.
“Ma, hindi ko alam kung may halaga pa ‘yang ganung nararamdaman kung hindi naman niya ako kayang mahalin pabalik.”
“Pero hindi mo rin siya kayang tigilan, ‘di ba?”
Roni looked down.
“Hindi.”
ns216.73.216.248da2