Chapter 11 – Ang Katotohanan kay Arianne
“Hindi lahat ng nawawala ay iniwan ka. Minsan, umaalis sila para hindi ka nila masaktan.”
Scene: Silid-aklatan, isang linggo matapos ang pag-alis ni Arianne
Tahimik sa library. Ang huni lang ng electric fan at mahihinang yapak ang maririnig. Si Roni, tulala habang hinahaplos ang notebook na iniwan ni Arianne—naiwan sa club locker. May post-it note sa taas:
“Kay Roni. Basahin mo kung kailan handa ka na.” – Arianne
Pero si Roni? Wala namang moment na sinasabing handa ka na. Wala ring paalala kung kailan okay na masaktan ulit. Kaya binuklat na niya.
[Entry #1 – Kay Roni]10Please respect copyright.PENANAM1aRDSETlO
Hindi ko alam kung paano kita kakausapin nang di ako magmukhang kontrabida. Pero siguro, sa pagsusulat mas magiging totoo ako.
Migs liked you. He always did. Kahit nung kami na, ikaw pa rin ang ikinukuwento niya. Pati kung paano ka tumawa sa kantang “Bebot” sa jeep. Kung paano ka magtampo kapag di ka naabutan ng kikiam sa canteen.
At alam mo? Hindi ako nagselos.
…Hindi agad.
Flashback:
Habang binabasa ni Roni, bumabalik ang mga alaala. Yung mga oras na nakita niyang tumatawa si Arianne sa mga jokes ni Migs. Yung mga tinginan nilang dalawa na parang may sariling mundo.
Pero ngayon, may kahalong lungkot ang mga iyon. Kasi nalaman niya—si Arianne pala, hindi sumuko. Umalis siya kasi may sakit siya. Autoimmune disease. Pabalik-balik ang pag atake. Hindi niya sinabi kay Migs.
[Entry #2 – Kay Migs, pero para kay Roni din]10Please respect copyright.PENANANbS3ESEogK
Gusto ko sanang sabihing ako ang pinili mo, pero totoo? Ako ang tumabi sa ‘yo habang nakatingin ka sa iba.
At Roni… ikaw yung ibang ‘yon.
Scene: Bahay ni Roni, kinagabihan
Roni:10Please respect copyright.PENANAs16PrtZxnT
“Lola Milagring…”
Lola:10Please respect copyright.PENANA51j8nBn2ZH
“Ano na na naman ‘yan iha, at parang basang sisiw ka nanaman sa problema?”
Roni:10Please respect copyright.PENANAgy6Qb7JIJA
“Naiinis po ako. Kasi ang tagal-tagal naming nagpaligoy-ligoy ni Migs. Tapos may isang babaeng dumaan, minahal siya agad, nasaktan agad, tapos ako nanaman maglalambing sa huli?”
Lola:10Please respect copyright.PENANApzRbDCaPnz
“Mahal mo ba si Migs?”
Roni:10Please respect copyright.PENANA4sbTO6yHix
“Lagi.”
Lola:10Please respect copyright.PENANAnzqGteendO
“Eh ‘di wag kang pakain sa pride. Ang mahal mo, wag mong iuwi sa gabi na hindi niya alam. Kasi baka pag nalaman niya, di na siya magising.”
Tahimik si Roni. Walang iyak, pero may bigat sa dibdib. Tulad ng sinabi ni Lola—baka nga huli na kung palagi silang aasa sa “bukas na lang.”
Scene: Phone call to Migs
Roni:10Please respect copyright.PENANA5YzMmAgv9c
“Migs…”
Migs:10Please respect copyright.PENANAsmZC9fiGl3
“Roni? Anong meron?”
Roni:10Please respect copyright.PENANAmGtmQ7BiLE
“Si Arianne… may sakit siya. ‘Yun ang dahilan kung bakit siya umalis. Hindi ka niya iniwan kasi napagod siya. Iniwan ka niya kasi natakot siya na ikaw ang mahirapan.”
Migs:10Please respect copyright.PENANAK5ZBXKvPcB
“…Anong klase?”
Roni:10Please respect copyright.PENANAGrfwn0JIjL
“Autoimmune. Parang lupus. Hindi raw siya sigurado kung kailan babalik. Pero gusto niyang malaman mo, minahal ka rin niya.”
Tahimik si Migs. Isang malalim na buntong-hininga.
Migs:10Please respect copyright.PENANAVGu0m5prPm
“Roni…”
Roni:10Please respect copyright.PENANAwPQUKNxxYX
“Wala kang dapat ikonsensya. Pero Migs, kung may tanong ka sa sarili mo ngayon, isa lang ang sagutin mo.”
Migs:10Please respect copyright.PENANA9P7C117D0V
“Anong tanong?”
Roni:10Please respect copyright.PENANAfifofk0P5C
“Kanino mo gustong gumising araw-araw?”