
Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo.363Please respect copyright.PENANAS2fzRO6NZm
363Please respect copyright.PENANALhAApJHG7d
Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit...363Please respect copyright.PENANAPzBbzO9Nzr
363Please respect copyright.PENANAHrmC6x70pY
Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia.363Please respect copyright.PENANAxM71Vl53Eo
363Please respect copyright.PENANAeDeAQDZv94
- - - 363Please respect copyright.PENANAFQ7Kk3TYSJ
363Please respect copyright.PENANAepB6jbGgIB
Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa.363Please respect copyright.PENANARJG0QeTny7
363Please respect copyright.PENANAgkE5KvE9HW
Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular.363Please respect copyright.PENANAmQfUnMjtp9
363Please respect copyright.PENANAaeJO3RAT0A
Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na't marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. 363Please respect copyright.PENANApDZyTZggT1
363Please respect copyright.PENANAph5bEyG65m
Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit.363Please respect copyright.PENANACuL8QMA4Tn
363Please respect copyright.PENANA7XP2PYb5DY
"Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?"363Please respect copyright.PENANATPBWTX5yuL
363Please respect copyright.PENANAWeWEqlMHaK
Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata.363Please respect copyright.PENANAjBYnLAflYd
363Please respect copyright.PENANAYCVxip6cwX
"Ano iyon, anak?" sagot ng matanda.363Please respect copyright.PENANAEIYF2lve9V
363Please respect copyright.PENANACZ4hl7wDbk
"Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko'y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating."363Please respect copyright.PENANAP0I9zSahnt
363Please respect copyright.PENANAnThy7dRN7d
"Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo.363Please respect copyright.PENANAVAHDwxS2a8
363Please respect copyright.PENANAu13zn9q2pL
Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya.363Please respect copyright.PENANAo2V0pUumtu
363Please respect copyright.PENANAyTzSlZHFLk
Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala't panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo.363Please respect copyright.PENANAjZv2WbmLgA
363Please respect copyright.PENANAi4iGJQsyNH
"Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel.363Please respect copyright.PENANAARSMmgPkOk
363Please respect copyright.PENANAXNOpaNca9Q
"Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel.363Please respect copyright.PENANABYI7zlkiCf
363Please respect copyright.PENANA95PclobLZB
"Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito.363Please respect copyright.PENANAElQSITHLZ1
363Please respect copyright.PENANAm3rWHmEooU
Huminga nang malalim si Abracosa.363Please respect copyright.PENANALjazU7zNiT
363Please respect copyright.PENANAWqanxOVE9L
"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok.363Please respect copyright.PENANACqXFMxxXLY
363Please respect copyright.PENANA1KXhuz6l7w
"Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang 'Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao."363Please respect copyright.PENANAX5g7mjaNq6
363Please respect copyright.PENANAtcZZji821K
Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya.363Please respect copyright.PENANA6ARlULhgO1
363Please respect copyright.PENANAnFLdad6T22
"Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya."363Please respect copyright.PENANAqlOeYr9fAK
363Please respect copyright.PENANAjgAJ4E9Zf1
Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian—"363Please respect copyright.PENANA4YhHC7KZl4
363Please respect copyright.PENANADqOMJ8evdL
"Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito."363Please respect copyright.PENANAiC4RksHFPm
363Please respect copyright.PENANApTULqBwbH7
Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit 'to tinago sa akin?"363Please respect copyright.PENANAygt1Dw6fWm
363Please respect copyright.PENANA5txbLGvx7s
"Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo."363Please respect copyright.PENANAUUpWksogDI
363Please respect copyright.PENANAuISFUHCLb6
Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka't masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya."363Please respect copyright.PENANAhVcgx3DEKf
363Please respect copyright.PENANA71fmaInJOk
Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito."363Please respect copyright.PENANAjK9VboSvpU
363Please respect copyright.PENANAHeCP17gYYq
"Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel."363Please respect copyright.PENANAGomi1pkPVD
363Please respect copyright.PENANArfwvk7Qw0Y
"May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian."363Please respect copyright.PENANACd7aNoBB1W
363Please respect copyright.PENANAKYfPTaCdku
"Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel."363Please respect copyright.PENANAkhyqiZXnvZ
363Please respect copyright.PENANAJpvHKgWwR0
Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao—" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..."363Please respect copyright.PENANA7mq5ABz4Se
363Please respect copyright.PENANAol6fc2yyh6
Tumahimik sila nang ilang sandali.363Please respect copyright.PENANA9pITyleZ0L
363Please respect copyright.PENANAG7woGOSBXu
"Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa.363Please respect copyright.PENANAYoHDrW1RCI
363Please respect copyright.PENANAajxFumJBQs
"Handa na akong mamatay para sa bayan."363Please respect copyright.PENANAVsrxtzsmGq
363Please respect copyright.PENANAgVgQeWXDTu
Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa.363Please respect copyright.PENANA2DfaDG2uVV
363Please respect copyright.PENANA3T2WK0dLHI
"Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya."363Please respect copyright.PENANAmfSLPYUo1B
363Please respect copyright.PENANAcAYVpGWM74
"Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel.363Please respect copyright.PENANAzxWD8HlwQ3
363Please respect copyright.PENANAtmXo4tUBDE
"Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa.363Please respect copyright.PENANA2eOIMSdTsY
363Please respect copyright.PENANAEGpcP7gYVI
Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.363Please respect copyright.PENANAO1wmsSBKQs
363Please respect copyright.PENANARqkQxh5MIZ
"Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.”363Please respect copyright.PENANAtwSRt6xmw3
363Please respect copyright.PENANAwxAnnyNJ5m
- - - 363Please respect copyright.PENANAPdF1bMdY9s
363Please respect copyright.PENANA3PvR0NWKRa
Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap.363Please respect copyright.PENANAD7nf5Fi2YV
Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init.363Please respect copyright.PENANAzPKns2UgWB
363Please respect copyright.PENANAbolL0LQYOR
Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia.363Please respect copyright.PENANA496lldp5jn
363Please respect copyright.PENANAlawm8CoLo9
Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe.363Please respect copyright.PENANAGZ2QZATwP4
363Please respect copyright.PENANAPyqsXS8hJl
“Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.” biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon.363Please respect copyright.PENANAZMW0nOCnW9
363Please respect copyright.PENANAEgLchwWqr2
“Siguro nga’y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa’yo. Ano ang iyong plano?” sabi ni Abracosa.363Please respect copyright.PENANASpsaBzC2Gy
363Please respect copyright.PENANAdHGztxNYdR
Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. “Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko’y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.”363Please respect copyright.PENANAXlhrZUDf6W
363Please respect copyright.PENANATY2A3oOqu0
Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa.363Please respect copyright.PENANAqUxkUN9Etd
363Please respect copyright.PENANAcymhZvh6zO
“Mayroon akong alam na puwede mong simulan.” sabi ng matanda.363Please respect copyright.PENANA0c8MBpVc4x
363Please respect copyright.PENANAbAtdeSZegH
Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro.363Please respect copyright.PENANA5Yp15UIFiG
363Please respect copyright.PENANAIBdiUdZ51j
Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader.363Please respect copyright.PENANANTnnngbuy6
363Please respect copyright.PENANAxbF2WohGNO
“Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.” sabi ng matanda. “Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.”363Please respect copyright.PENANAlyKUshmZn2
363Please respect copyright.PENANAiGEmOokdiY
“Opo, ama. Maraming salamat po.” at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel.363Please respect copyright.PENANAjbUHOZizTg
363Please respect copyright.PENANAs8VckVxor6
“Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?” sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan.363Please respect copyright.PENANAq5Vrbtezcj
363Please respect copyright.PENANA1P5psmDwQb
“Ngayong gabi ‘ho, ama.”363Please respect copyright.PENANATBlUhOTC6Z
363Please respect copyright.PENANAktnJWlded9
“Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.”363Please respect copyright.PENANAnPGDh5xA2H
363Please respect copyright.PENANAmjQZSUrjeX
Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya’y umiyak, nilabas ang kanyang pighati.363Please respect copyright.PENANAJllDFUqr2q
363Please respect copyright.PENANA4dOkt65UX3
Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya?363Please respect copyright.PENANAsdmSgnS0Dm
363Please respect copyright.PENANA07BJwRF3KD
- - - 363Please respect copyright.PENANAjHIMEFRJQb
363Please respect copyright.PENANAuOv8ionasC
'Tydel, hindi ko kakayanin 'to...' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe.363Please respect copyright.PENANAb3kP5eXx0j
363Please respect copyright.PENANAth6PGFY4TD
Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw.363Please respect copyright.PENANAag1Z3I1bQj
363Please respect copyright.PENANArwtaaWL4q5
Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila.363Please respect copyright.PENANApP9kvObWLW
363Please respect copyright.PENANAyxh0lzKpA3
Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe.363Please respect copyright.PENANA1YjhE8miBL
363Please respect copyright.PENANAujK2IV6uQ0
"Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos—"363Please respect copyright.PENANArheKyLiQNc
363Please respect copyright.PENANAYTkCdipjfs
"Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako'y maging hari."363Please respect copyright.PENANAf14V4rL4DR
363Please respect copyright.PENANAgAZsBMtyaM
Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan.363Please respect copyright.PENANA4SqY0ffTE2
363Please respect copyright.PENANAQPsDmbye6u
Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal."363Please respect copyright.PENANAwVpIql5byo
363Please respect copyright.PENANATWEeIabPRZ
Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba 'yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?"363Please respect copyright.PENANA7IHi4K28W2
363Please respect copyright.PENANADVIpWekZ0a
Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, 'di ka mapakali. Ayan, muntik na 'kong mamatay dahil sa'yo."363Please respect copyright.PENANA1H8DRw6Ti6
363Please respect copyright.PENANAO6rmqepdeF
Tumawa si Hernando. "Alam mo, 'yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man– maliban sa sarili mo."363Please respect copyright.PENANAFl6oYq48xB
363Please respect copyright.PENANArTT97DURCb
Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako."363Please respect copyright.PENANAIhgIEkxP8E
363Please respect copyright.PENANAZpwZ6y5Fmh
"Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo 'yan." sabi ni Hernando.363Please respect copyright.PENANA8fjRW5bk6y
363Please respect copyright.PENANACachHVA46K
"Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel.363Please respect copyright.PENANAzwQpMzHsuT
363Please respect copyright.PENANAVahUw7RGpq
"Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando.363Please respect copyright.PENANAspOXE9rPLT
363Please respect copyright.PENANAGSs3zCQ6BO
"Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo."363Please respect copyright.PENANASvYkcl2aPZ
363Please respect copyright.PENANAHnqVdtdW5k
Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan."363Please respect copyright.PENANAvC57z2lNpi
363Please respect copyright.PENANAmTuCFFSkE5
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya."363Please respect copyright.PENANAjKGXYkylbG
363Please respect copyright.PENANAFGgIBP8TFk
Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa.363Please respect copyright.PENANA36FDKy1L0F
363Please respect copyright.PENANAju647f6dt1
Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia.363Please respect copyright.PENANAAmCzOn4p5E
363Please respect copyright.PENANA9IC57iRgTa
Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna.363Please respect copyright.PENANApIlhjo4J3N
Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa’t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya…363Please respect copyright.PENANAXsj5HyHeq3
363Please respect copyright.PENANAxCieFY3mcy
Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag.363Please respect copyright.PENANAABRfEI6dL6
363Please respect copyright.PENANAS0VIUTMIBp
Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema.363Please respect copyright.PENANAfnQpeTe3IV
363Please respect copyright.PENANAQ6x8PwgYTH
Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali.363Please respect copyright.PENANAQXl03zZr5O
363Please respect copyright.PENANAx6rbqmeHW5
Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. “Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.”363Please respect copyright.PENANAECNNsK5LCe
363Please respect copyright.PENANAEuWe4uxRhr
“Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko…” iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap.363Please respect copyright.PENANAklZtnWPt0T
363Please respect copyright.PENANALUjne6Enn3
“Patawad, mahal.”363Please respect copyright.PENANAtimytucsTr
363Please respect copyright.PENANA7QiGANaLZQ
“Tydel, hindi ko kakayanin 'to…”363Please respect copyright.PENANAUVyJhsII4O
363Please respect copyright.PENANAXkUdaNUF6z
Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali.363Please respect copyright.PENANADuQvYAObin
363Please respect copyright.PENANAJqd81LgxaX
“Tingnan mo 'ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo…” Napahinto si Tydel. “Pasensya na… hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.”363Please respect copyright.PENANAW2tWHhYl8T
363Please respect copyright.PENANARxsZnQo3wT
“Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.” sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi.363Please respect copyright.PENANACQbtYMOMXb
363Please respect copyright.PENANA3v0NJ5RgOf
“Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal… Kung hindi ganito ang takbo ng mundo—” ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita.363Please respect copyright.PENANANUHzLMGwL0
363Please respect copyright.PENANAqPcDvfr0v3
"Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel…” luha ni Jessenia. “Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.”363Please respect copyright.PENANAzer0q8xqNb
363Please respect copyright.PENANAZEWwQwuLpB
Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa’yo pa rin ako…"363Please respect copyright.PENANAMuLVVi1GYH
363Please respect copyright.PENANAoinNTNbVuj
Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel.363Please respect copyright.PENANAmDYCeJmuzA
363Please respect copyright.PENANAu1aR6nXsEB
“Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.” sabi ng dalaga.363Please respect copyright.PENANAO4xRQViBGI
363Please respect copyright.PENANA8hiX6PVRlQ
"Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia."363Please respect copyright.PENANAVkURDQ89ir
363Please respect copyright.PENANAZFocqjWkrK
- - - 363Please respect copyright.PENANAhmQktYEEUh
363Please respect copyright.PENANAv8aqtodis5
Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman.363Please respect copyright.PENANA61otQ9zwl6
363Please respect copyright.PENANAnabOJuCga3
Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod.363Please respect copyright.PENANA0CKIKiaUkS
363Please respect copyright.PENANAQlCGl1VHDO
Ngunit hindi siya makalabas.363Please respect copyright.PENANAOjFsAKZEZQ
363Please respect copyright.PENANAS7Bx4keJ1e
Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat.363Please respect copyright.PENANAFpe7IeBDBy
363Please respect copyright.PENANAHgoUS3exMj
BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari.363Please respect copyright.PENANAciCmdiowZR
363Please respect copyright.PENANADKQbiOaDTy
Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa’t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo’y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari.363Please respect copyright.PENANAumLhYUTirD
363Please respect copyright.PENANA8Ckwe1dft0
Nandito na ang Teccao.363Please respect copyright.PENANA5ijlL4GgMo
363Please respect copyright.PENANAOlHFNDXxAd
Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan.363Please respect copyright.PENANAcoQJbxlAVM
363Please respect copyright.PENANABAtUytlYQx
Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa't mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina.363Please respect copyright.PENANAIXT2knW1CD
363Please respect copyright.PENANAALTbbN8Pnn
"Papa! Gumising ka, sige na, papa…" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha.363Please respect copyright.PENANAr2YpT84ADE
363Please respect copyright.PENANARAV2UdFuoe
"Anak… oras na ba?" bulong ni Idrola.363Please respect copyright.PENANATyMHhZ4y9L
363Please respect copyright.PENANAbmJN7lq3sE
"Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na…" 363Please respect copyright.PENANAa3G3ydnRcG
363Please respect copyright.PENANA1xF2GwBnPg
"Hindi na, anak… Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit…"363Please respect copyright.PENANA4HTqUMt7er
363Please respect copyright.PENANAMfm0obrZcx
“Papa!” sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka— ”363Please respect copyright.PENANABDcCztCji3
363Please respect copyright.PENANA1z28ysojdP
“Naiintindihan kita, Tydel.”363Please respect copyright.PENANA8nH3NY5JeO
363Please respect copyright.PENANAApO7Fp7atr
Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay.363Please respect copyright.PENANA2efr3igBc2
“Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko’y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ‘ko duwag. Pero mali ang akala ko… Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.”363Please respect copyright.PENANAQmKXx2vvaR
363Please respect copyright.PENANAQE1bem8R7b
“Mahina rin ako, anak. ‘Yan ang ‘di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.”363Please respect copyright.PENANAMKmD3Dr79H
363Please respect copyright.PENANAb0tP76TKBF
“Paano, pa?”363Please respect copyright.PENANAvM9PMMi0cC
363Please respect copyright.PENANALRSfTUUx77
“Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.” ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. 363Please respect copyright.PENANAZuBljYNuxB
363Please respect copyright.PENANAkj6t00MYc0
“Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.” sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit.363Please respect copyright.PENANAGhXbHtl4hG
363Please respect copyright.PENANA6fz0p3xDRg
Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan.363Please respect copyright.PENANAUqt18yP2qg
363Please respect copyright.PENANAhIk7zwms7B
“Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!”363Please respect copyright.PENANAf1bKzDdiP8
Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig.363Please respect copyright.PENANAeTQZ6F8t6A
363Please respect copyright.PENANAbMdOzCvNHd
“Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.”363Please respect copyright.PENANAn0xBFln2ue
363Please respect copyright.PENANAR2t1m4CDEZ
“Bakit hindi mo ibigay kay mama?”363Please respect copyright.PENANAcS4oKnpp3z
363Please respect copyright.PENANAtwbhGJA6Tp
“Mahina na rin siya, anak… Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.”363Please respect copyright.PENANAL0YQcbiBbC
363Please respect copyright.PENANAPUYwIcM7HD
“Papa…” iyak ni Tydel.363Please respect copyright.PENANAFVIL5UQUFy
363Please respect copyright.PENANA84BGrIZRNY
May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon.363Please respect copyright.PENANAWMah3dyilI
363Please respect copyright.PENANAHexNTyQQvz
“Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.”363Please respect copyright.PENANAXxd8m1LAnY
363Please respect copyright.PENANAhNcGFY2eMf
Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. “Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!”363Please respect copyright.PENANARbmgmP9TWV
363Please respect copyright.PENANA20fmah0jy1
“Tama ka… mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.”363Please respect copyright.PENANAYqyAYOYzhU
363Please respect copyright.PENANAyorNeg4YiG
“Salamat, papa… sa lahat.” Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari.363Please respect copyright.PENANAgEqOOkMD0A
363Please respect copyright.PENANA2EI5s1egma
Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon?363Please respect copyright.PENANARLZ75V7DIC
363Please respect copyright.PENANAAw9JNF7L1Q
Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian.363Please respect copyright.PENANA7fR5QkD39K
363Please respect copyright.PENANAc9SPmqwcCx
- - - 363Please respect copyright.PENANAM3vPHk3Tld
363Please respect copyright.PENANAeq3pS7Wn3i
"Patay na ang hari." 363Please respect copyright.PENANAlbFLdN7swv
363Please respect copyright.PENANA5yYzULJBA7
Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman.363Please respect copyright.PENANAVOiyPntXOo
363Please respect copyright.PENANAtpR2VS3Hhv
"Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa.363Please respect copyright.PENANATZvWVx8PvK
363Please respect copyright.PENANA9wBozPBsbj
"Ama… bakit kailangang ngayon mangyari 'to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao.363Please respect copyright.PENANARleW5WdfDR
363Please respect copyright.PENANA1cjZgTnWOp
"Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." 363Please respect copyright.PENANAcnczbkqtGM
363Please respect copyright.PENANAfASxxzC1r3
Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino.363Please respect copyright.PENANAIfY5GQ4fbd
363Please respect copyright.PENANATLPPtukzNH
"Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda.363Please respect copyright.PENANAjqJXAT8cRI
363Please respect copyright.PENANA8gPyp6G7mj
"Ama… Mag-ingat rin kayo."363Please respect copyright.PENANAlxaLz20aBx
363Please respect copyright.PENANAFBWg3X5sPE
"Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala."363Please respect copyright.PENANACdMcLtc5Zr
363Please respect copyright.PENANA0kAWSsL5NN
Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel.363Please respect copyright.PENANAsHB0OQgiun
363Please respect copyright.PENANACiOzaJRjNR
"Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin."363Please respect copyright.PENANAaEQzZ00ahV
363Please respect copyright.PENANAnJXnTQCSu5
Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay.363Please respect copyright.PENANAlsuZjlkmEu
363Please respect copyright.PENANA7qkOgvU91G
"Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin."363Please respect copyright.PENANAy6xrurcJGX
363Please respect copyright.PENANARzRwbqHLCT
"Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata."363Please respect copyright.PENANA9opFcA90TA
363Please respect copyright.PENANABVD2UDTXQj
Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya.363Please respect copyright.PENANAT90mn35K0t
363Please respect copyright.PENANA1dLdiwIZGM
Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha't dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina.363Please respect copyright.PENANAUqWNbvJMJw
363Please respect copyright.PENANAEzATjUmxOI
Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga't ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito.363Please respect copyright.PENANA8L0JWaPXdT
363Please respect copyright.PENANAMrlwCQSt3B
Umandar na ang makina, palayo ng kaharian.363Please respect copyright.PENANA3oxRYlGbqs
363Please respect copyright.PENANA4iwnWOCBJw
Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi.363Please respect copyright.PENANA7Unm6xKTHf
363Please respect copyright.PENANAeuFahPpE6d
Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera?363Please respect copyright.PENANA9yoWu6W2RK
363Please respect copyright.PENANAinIchBpEo2
At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw.363Please respect copyright.PENANAVWUYyhJznj
363Please respect copyright.PENANAEsc5cGugsu
"Paalam, Midnia."363Please respect copyright.PENANAIXeu7pLnGq
363Please respect copyright.PENANAmepNMfNg3M
Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma'y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian.363Please respect copyright.PENANAb466NUGh2z
363Please respect copyright.PENANAPiJQZyxkmS