Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo.574Please respect copyright.PENANAYSeonPEaNS
574Please respect copyright.PENANAWKXxithe54
Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit...574Please respect copyright.PENANAjo4LkwfMqZ
574Please respect copyright.PENANAZbscu8geB0
Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia.574Please respect copyright.PENANAhz1zmRBGkF
574Please respect copyright.PENANA9nKgtFYMkC
- - - 574Please respect copyright.PENANAiJckmLk5Pq
574Please respect copyright.PENANA84Aw7i7PNQ
Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa.574Please respect copyright.PENANAcHijk0o5Pp
574Please respect copyright.PENANAcCxU7QbXiy
Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular.574Please respect copyright.PENANAqMZNzbgsKJ
574Please respect copyright.PENANAKOAWCFalMq
Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na't marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. 574Please respect copyright.PENANAYnCJmSPdiF
574Please respect copyright.PENANAilULuSEREe
Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit.574Please respect copyright.PENANAlY1OMlI8Ji
574Please respect copyright.PENANALHLQenHMD6
"Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?"574Please respect copyright.PENANADtr0zlMBuL
574Please respect copyright.PENANA1yc8rE1QxH
Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata.574Please respect copyright.PENANAAPCoWErBKq
574Please respect copyright.PENANAa4UzWAJAZr
"Ano iyon, anak?" sagot ng matanda.574Please respect copyright.PENANAjFhRYPQfv7
574Please respect copyright.PENANAy7D5aiHrnp
"Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko'y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating."574Please respect copyright.PENANAN7EDR8C7ql
574Please respect copyright.PENANA8TnJT44h8K
"Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo.574Please respect copyright.PENANA0CCYttEQl3
574Please respect copyright.PENANAIH7opRtAaw
Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya.574Please respect copyright.PENANApJAmYU7JpB
574Please respect copyright.PENANADaqH7gYoAU
Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala't panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo.574Please respect copyright.PENANAHLQUPC2MBu
574Please respect copyright.PENANADK1Hir5z60
"Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel.574Please respect copyright.PENANA3gvdmmdG6O
574Please respect copyright.PENANAS9GncfWftA
"Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel.574Please respect copyright.PENANA20jWi21jIW
574Please respect copyright.PENANAxtLeCF7KDV
"Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito.574Please respect copyright.PENANAYEQIy0QqDk
574Please respect copyright.PENANAUU9gXDiqbR
Huminga nang malalim si Abracosa.574Please respect copyright.PENANA2i9g4cChZX
574Please respect copyright.PENANAivQ5KlWCxX
"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok.574Please respect copyright.PENANAnDilO49Fb8
574Please respect copyright.PENANAy9mJ4rmoIc
"Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang 'Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao."574Please respect copyright.PENANAwNLA1YdXsg
574Please respect copyright.PENANAOOEZwJKF70
Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya.574Please respect copyright.PENANAHRrgyxheo2
574Please respect copyright.PENANAyYz7VWgmWs
"Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya."574Please respect copyright.PENANABQTgPXnFRl
574Please respect copyright.PENANAfxQ5BXjIRn
Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian—"574Please respect copyright.PENANAAnUflZ0H8f
574Please respect copyright.PENANAYDsJxtDgYh
"Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito."574Please respect copyright.PENANA7TYV3z18FM
574Please respect copyright.PENANADiRk1tzYwJ
Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit 'to tinago sa akin?"574Please respect copyright.PENANAT0lq9x7KmM
574Please respect copyright.PENANAmN1DVMfy7G
"Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo."574Please respect copyright.PENANAXXt2Ep2tn4
574Please respect copyright.PENANAFzhcxfH0Af
Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka't masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya."574Please respect copyright.PENANAwbuf44S7ZP
574Please respect copyright.PENANAYWQVROqjWX
Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito."574Please respect copyright.PENANA7WlncxbKDw
574Please respect copyright.PENANASdS1LZeZTD
"Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel."574Please respect copyright.PENANAufIMl22P9z
574Please respect copyright.PENANACiQr4X1xtB
"May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian."574Please respect copyright.PENANA8kuNbyG3H4
574Please respect copyright.PENANA2eLxrIt9D9
"Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel."574Please respect copyright.PENANAuYXHASWiVf
574Please respect copyright.PENANAeP5sWtyKWS
Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao—" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..."574Please respect copyright.PENANAtoJdyGhF6f
574Please respect copyright.PENANA2pBJZ9jKG4
Tumahimik sila nang ilang sandali.574Please respect copyright.PENANAISitRqS0Rt
574Please respect copyright.PENANAgVDMj3i15V
"Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa.574Please respect copyright.PENANAAorHRr6oTb
574Please respect copyright.PENANApaJAGNiQyT
"Handa na akong mamatay para sa bayan."574Please respect copyright.PENANAiG563P17t7
574Please respect copyright.PENANAxvZiOgX6AC
Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa.574Please respect copyright.PENANAf4ZdIKiMAs
574Please respect copyright.PENANAhoKYlE7JTz
"Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya."574Please respect copyright.PENANA34tgpy3D0a
574Please respect copyright.PENANAmJSjVW3AwX
"Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel.574Please respect copyright.PENANAalUIGeIswX
574Please respect copyright.PENANA442shxhcyr
"Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa.574Please respect copyright.PENANAi0z7sfkpZU
574Please respect copyright.PENANA0PE7wTLhiy
Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.574Please respect copyright.PENANANNix6OG36t
574Please respect copyright.PENANAuYtTtstLpO
"Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.”574Please respect copyright.PENANASf4VqCJlga
574Please respect copyright.PENANAcsVmXWFJNV
- - - 574Please respect copyright.PENANAJLQxpXB1cK
574Please respect copyright.PENANAhpMecVrnZR
Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap.574Please respect copyright.PENANA7y6V6s1oaE
Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init.574Please respect copyright.PENANA3pQYrh524B
574Please respect copyright.PENANAQzKiP0QVLS
Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia.574Please respect copyright.PENANAfx3NzL224F
574Please respect copyright.PENANAQQhPaeQV7C
Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe.574Please respect copyright.PENANANKO1EgyLFi
574Please respect copyright.PENANAwzU3VoFuCC
“Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.” biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon.574Please respect copyright.PENANAUaECQVCETX
574Please respect copyright.PENANAVnvGmn8kpD
“Siguro nga’y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa’yo. Ano ang iyong plano?” sabi ni Abracosa.574Please respect copyright.PENANAdNPMK9iO2d
574Please respect copyright.PENANAMeaTYfdaCe
Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. “Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko’y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.”574Please respect copyright.PENANAsEXso11Pmr
574Please respect copyright.PENANAhy6PbtfwVo
Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa.574Please respect copyright.PENANASWn7ycsRNh
574Please respect copyright.PENANAzV8nAJRanj
“Mayroon akong alam na puwede mong simulan.” sabi ng matanda.574Please respect copyright.PENANACKBxgng6dq
574Please respect copyright.PENANAJAdQVteyRq
Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro.574Please respect copyright.PENANAaoT0fOAhH1
574Please respect copyright.PENANAC5ADh8eltY
Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader.574Please respect copyright.PENANAXgSNRffp8y
574Please respect copyright.PENANABsJyQpZ1UN
“Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.” sabi ng matanda. “Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.”574Please respect copyright.PENANAm8MJVsIOEm
574Please respect copyright.PENANAWrkKf6zrZY
“Opo, ama. Maraming salamat po.” at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel.574Please respect copyright.PENANA6t9bErJT7P
574Please respect copyright.PENANAOVPSGBTq1H
“Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?” sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan.574Please respect copyright.PENANANqo3o3XzLE
574Please respect copyright.PENANA7REpAnkyzs
“Ngayong gabi ‘ho, ama.”574Please respect copyright.PENANAXEtvtD4StO
574Please respect copyright.PENANAlGDEvvJHlO
“Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.”574Please respect copyright.PENANAeaRwgRpv6x
574Please respect copyright.PENANAQ8Q7jWCaHk
Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya’y umiyak, nilabas ang kanyang pighati.574Please respect copyright.PENANARvA1hiurqm
574Please respect copyright.PENANAXc9eaL9EDz
Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya?574Please respect copyright.PENANAETnmesmGWA
574Please respect copyright.PENANAkgNIUfQDON
- - - 574Please respect copyright.PENANAEqyTSE6XUj
574Please respect copyright.PENANASwkJE5i0AW
'Tydel, hindi ko kakayanin 'to...' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe.574Please respect copyright.PENANAwKukVXinZI
574Please respect copyright.PENANA2AilZEy2hC
Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw.574Please respect copyright.PENANAOQadGjAMqS
574Please respect copyright.PENANAZknQwgzmnT
Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila.574Please respect copyright.PENANATddaK6rw5n
574Please respect copyright.PENANAYQv2Qh1gUR
Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe.574Please respect copyright.PENANAya7f7anICb
574Please respect copyright.PENANArOAqFcte4m
"Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos—"574Please respect copyright.PENANA6ajHLvKrfC
574Please respect copyright.PENANAWyj7KUgf48
"Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako'y maging hari."574Please respect copyright.PENANAhtSULMHpGZ
574Please respect copyright.PENANAxw3pLN2asM
Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan.574Please respect copyright.PENANAMjbCDZD845
574Please respect copyright.PENANA3AMLYRp4q0
Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal."574Please respect copyright.PENANAIoLyMmgckJ
574Please respect copyright.PENANA0WXjgqsJMA
Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba 'yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?"574Please respect copyright.PENANAoNitwmVOIB
574Please respect copyright.PENANA1AShG1esyx
Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, 'di ka mapakali. Ayan, muntik na 'kong mamatay dahil sa'yo."574Please respect copyright.PENANAjukkfjIjgN
574Please respect copyright.PENANAlh7T2Xx8FG
Tumawa si Hernando. "Alam mo, 'yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man– maliban sa sarili mo."574Please respect copyright.PENANA8abeXE8yPj
574Please respect copyright.PENANA7oBwaYY1SR
Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako."574Please respect copyright.PENANAUcCrQXnxCv
574Please respect copyright.PENANA2au192Gj0B
"Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo 'yan." sabi ni Hernando.574Please respect copyright.PENANAvxoESGUQss
574Please respect copyright.PENANAuRnBWQgdCV
"Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel.574Please respect copyright.PENANATQIE1moRpw
574Please respect copyright.PENANA4729BC3dvb
"Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando.574Please respect copyright.PENANAeZnglpuNLk
574Please respect copyright.PENANAkYuRm2BEv5
"Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo."574Please respect copyright.PENANAy6xHNfwtLj
574Please respect copyright.PENANAz8JBZhq2AH
Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan."574Please respect copyright.PENANAp0nmn3sTFL
574Please respect copyright.PENANAgbn7GuCGlK
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya."574Please respect copyright.PENANABh8KHwTHQ1
574Please respect copyright.PENANA4WJQ7wvWae
Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa.574Please respect copyright.PENANA6uCB2L7z4F
574Please respect copyright.PENANAMNu3EkI5Yw
Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia.574Please respect copyright.PENANA4QOceGaiGa
574Please respect copyright.PENANAARTqNgrv26
Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna.574Please respect copyright.PENANARrR3Qej7rp
Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa’t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya…574Please respect copyright.PENANAwHxhhzHvms
574Please respect copyright.PENANAMjqmii88ED
Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag.574Please respect copyright.PENANAvHGCREd8oY
574Please respect copyright.PENANA5uKajsUs10
Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema.574Please respect copyright.PENANAyWOD85jXYM
574Please respect copyright.PENANAmtwl5FWEyi
Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali.574Please respect copyright.PENANAd7PDlc2uuc
574Please respect copyright.PENANAErur1i1pVI
Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. “Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.”574Please respect copyright.PENANAllv9kPyk31
574Please respect copyright.PENANAQNNYaS45ib
“Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko…” iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap.574Please respect copyright.PENANA4oi68s83tu
574Please respect copyright.PENANAcagXIK64qA
“Patawad, mahal.”574Please respect copyright.PENANA7ukQ1ztBLq
574Please respect copyright.PENANAZm5cLBFd2t
“Tydel, hindi ko kakayanin 'to…”574Please respect copyright.PENANAXvAhAap6JB
574Please respect copyright.PENANAZSPiyXvjqh
Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali.574Please respect copyright.PENANAfBDxcpClYG
574Please respect copyright.PENANAMWIWFd4EFr
“Tingnan mo 'ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo…” Napahinto si Tydel. “Pasensya na… hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.”574Please respect copyright.PENANATBy7RE1214
574Please respect copyright.PENANAuFtOvNsi06
“Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.” sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi.574Please respect copyright.PENANAjdkcIb7s8u
574Please respect copyright.PENANA6QfQhK8upd
“Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal… Kung hindi ganito ang takbo ng mundo—” ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita.574Please respect copyright.PENANAlMFo38KSjK
574Please respect copyright.PENANAWfInwCYiB4
"Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel…” luha ni Jessenia. “Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.”574Please respect copyright.PENANA6wodapLc8z
574Please respect copyright.PENANAtNADRp9y5J
Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa’yo pa rin ako…"574Please respect copyright.PENANAw3Qozez296
574Please respect copyright.PENANAReWLpDaCFN
Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel.574Please respect copyright.PENANAk9XGbJ4qdf
574Please respect copyright.PENANACpbQ6AscID
“Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.” sabi ng dalaga.574Please respect copyright.PENANABKgbI99gx9
574Please respect copyright.PENANAPSkL1BvyFy
"Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia."574Please respect copyright.PENANAdPRmktxYwP
574Please respect copyright.PENANAlT8KIngk3I
- - - 574Please respect copyright.PENANAO2NtxjHDzW
574Please respect copyright.PENANAPtbR8dw3sN
Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman.574Please respect copyright.PENANAXfz3515jCy
574Please respect copyright.PENANAvWNtU9qZJ7
Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod.574Please respect copyright.PENANAZPlivfdlSl
574Please respect copyright.PENANAKXF5c39Vc7
Ngunit hindi siya makalabas.574Please respect copyright.PENANAX9re7VZKIz
574Please respect copyright.PENANAHyT92TuLW8
Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat.574Please respect copyright.PENANAYlKjh6PzsX
574Please respect copyright.PENANAIgDu4HrTn8
BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari.574Please respect copyright.PENANAOi5ibRnAGw
574Please respect copyright.PENANA9fA2fCd7TY
Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa’t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo’y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari.574Please respect copyright.PENANAehJY53QFFY
574Please respect copyright.PENANAeHxBE9uatc
Nandito na ang Teccao.574Please respect copyright.PENANAcvu7u1Nru1
574Please respect copyright.PENANA3I6dWT641W
Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan.574Please respect copyright.PENANAYWlTSGpfMq
574Please respect copyright.PENANAQLZHih9SnD
Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa't mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina.574Please respect copyright.PENANAtnhiqU7RMo
574Please respect copyright.PENANAjpmTq3DP10
"Papa! Gumising ka, sige na, papa…" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha.574Please respect copyright.PENANAJOdx845dlN
574Please respect copyright.PENANAVvOAQsGzVN
"Anak… oras na ba?" bulong ni Idrola.574Please respect copyright.PENANANQ8Nr61WiE
574Please respect copyright.PENANA0xflSR9S8g
"Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na…" 574Please respect copyright.PENANAtR5sxxMGEH
574Please respect copyright.PENANA3WTwVBL7pb
"Hindi na, anak… Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit…"574Please respect copyright.PENANA9MHE7xYgJw
574Please respect copyright.PENANAVZrwc8Rh7t
“Papa!” sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka— ”574Please respect copyright.PENANA5gj3YOsixX
574Please respect copyright.PENANA7SYrzpIFlR
“Naiintindihan kita, Tydel.”574Please respect copyright.PENANA7sUny5a2LM
574Please respect copyright.PENANArRWVG6382j
Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay.574Please respect copyright.PENANAFPfdNpsIF2
“Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko’y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ‘ko duwag. Pero mali ang akala ko… Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.”574Please respect copyright.PENANA4bWgLCtkEB
574Please respect copyright.PENANAQCRqzJ6f6r
“Mahina rin ako, anak. ‘Yan ang ‘di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.”574Please respect copyright.PENANACE7gg4QAMR
574Please respect copyright.PENANAqxqdXYECbH
“Paano, pa?”574Please respect copyright.PENANAMoTUNuO66O
574Please respect copyright.PENANAGrZTiJDsWF
“Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.” ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. 574Please respect copyright.PENANAXyPDxYzWhl
574Please respect copyright.PENANA14viPxb3YY
“Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.” sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit.574Please respect copyright.PENANAcifsMcwcU2
574Please respect copyright.PENANA8kDyKZ5sYT
Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan.574Please respect copyright.PENANAhDPmPju6XV
574Please respect copyright.PENANAaJYib22e21
“Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!”574Please respect copyright.PENANADN1xywEzGO
Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig.574Please respect copyright.PENANAYMaEvfa9AM
574Please respect copyright.PENANAo616x1lBrO
“Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.”574Please respect copyright.PENANARGYmoOMpZ2
574Please respect copyright.PENANA5dmYeQSW83
“Bakit hindi mo ibigay kay mama?”574Please respect copyright.PENANA8I0HmVfJhd
574Please respect copyright.PENANAxC4qBSkZxz
“Mahina na rin siya, anak… Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.”574Please respect copyright.PENANA8kmpQ7Jjbu
574Please respect copyright.PENANAKozS0Fhx3s
“Papa…” iyak ni Tydel.574Please respect copyright.PENANAAL8upgniNS
574Please respect copyright.PENANA8egfIr1vPb
May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon.574Please respect copyright.PENANARfTrDWrrPX
574Please respect copyright.PENANAX62YHwsLNg
“Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.”574Please respect copyright.PENANAUdyfMrNQrZ
574Please respect copyright.PENANApRwbcqFmfY
Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. “Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!”574Please respect copyright.PENANAiKJXR92xTp
574Please respect copyright.PENANAC7SD9b67gq
“Tama ka… mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.”574Please respect copyright.PENANAEufbqFZFhN
574Please respect copyright.PENANAl5aNoo4Ewz
“Salamat, papa… sa lahat.” Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari.574Please respect copyright.PENANAWJNgma4YH9
574Please respect copyright.PENANAGL4Fd2fHZK
Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon?574Please respect copyright.PENANAwYeFRE1qsI
574Please respect copyright.PENANAyVXMSuJbEv
Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian.574Please respect copyright.PENANAet4q61MbW5
574Please respect copyright.PENANAtqRLavqTL6
- - - 574Please respect copyright.PENANAm36lYnKs8I
574Please respect copyright.PENANAUPpjtUrEk1
"Patay na ang hari." 574Please respect copyright.PENANAIDXciCycj9
574Please respect copyright.PENANA8xasaMhSuR
Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman.574Please respect copyright.PENANAsU0Spai5OV
574Please respect copyright.PENANATHosmzmHOu
"Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa.574Please respect copyright.PENANAVCVyUKtasO
574Please respect copyright.PENANAsqaKfMcyhD
"Ama… bakit kailangang ngayon mangyari 'to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao.574Please respect copyright.PENANAGyrPxuzCG6
574Please respect copyright.PENANAZ04mBkKhbS
"Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." 574Please respect copyright.PENANAl5yTKMXE7s
574Please respect copyright.PENANA2G2PAJ2Txq
Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino.574Please respect copyright.PENANAirPSeru1Bi
574Please respect copyright.PENANAZfrkAzLQJT
"Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda.574Please respect copyright.PENANA3VWhYgh2KC
574Please respect copyright.PENANAd2Ab2b04gV
"Ama… Mag-ingat rin kayo."574Please respect copyright.PENANA5e891ouO7k
574Please respect copyright.PENANAmjDGAk5MDi
"Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala."574Please respect copyright.PENANAIS8o9yA8Ai
574Please respect copyright.PENANAemfNJx65Vb
Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel.574Please respect copyright.PENANAKYyGlmnh5A
574Please respect copyright.PENANAJHUj8ATADf
"Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin."574Please respect copyright.PENANA7Q67WJ8oYN
574Please respect copyright.PENANAXNeA8gy9EY
Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay.574Please respect copyright.PENANA3C1dKxzYzA
574Please respect copyright.PENANAYLLGvFrmNy
"Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin."574Please respect copyright.PENANAFK7rOc3hox
574Please respect copyright.PENANAmETe4GP17f
"Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata."574Please respect copyright.PENANARuQvQwgg5q
574Please respect copyright.PENANA2bvpMqurPj
Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya.574Please respect copyright.PENANAh1qkMwYYRE
574Please respect copyright.PENANAx2pMRI2REe
Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha't dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina.574Please respect copyright.PENANAi0F6kpHR8V
574Please respect copyright.PENANAgd3jkAqUaS
Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga't ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito.574Please respect copyright.PENANAynFjCpICxE
574Please respect copyright.PENANA31RuJiBHGo
Umandar na ang makina, palayo ng kaharian.574Please respect copyright.PENANAXaKzbcCBzP
574Please respect copyright.PENANAd08E3RaURP
Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi.574Please respect copyright.PENANAHq6KNJKlul
574Please respect copyright.PENANAHeq1kdURlx
Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera?574Please respect copyright.PENANACFRGvrJuPg
574Please respect copyright.PENANADtqk8OHxp8
At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw.574Please respect copyright.PENANAnCvGwUWwAi
574Please respect copyright.PENANAh5zvV9VJxU
"Paalam, Midnia."574Please respect copyright.PENANAk9QBhu0Ui9
574Please respect copyright.PENANAgr13w6nSVN
Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma'y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian.574Please respect copyright.PENANABuuQF62JQg
574Please respect copyright.PENANABpcnAv4xgw


