Nakakainis naman talaga!
582Please respect copyright.PENANAvRaTIHv4nF
Kung kailan wala kang dalang payong tsaka pa uulan.
582Please respect copyright.PENANAdA2JJmcyAp
Mabilis na naglakad ako mula sa silong ng 7eleven papunta sa sidewalk. Ginawa ko na lang pangharang sa ulan ang blazer ko.
582Please respect copyright.PENANAaqo9kT0Id8
"Ang lamig," inis na bulong ko sa sarili ko habang naghahanap ng taxi na pwedeng masakyan. Pero imbes na taxi ang mapansin ko, 'yong mga pares ng mga nagdedate at naglalampungan sa kalye ang umagaw sa atensyon ko.
Ang dami namang hotel o motel na nagkalat dito sa Manila pero sa kalye pa sila naglalaplapan ng mga labi nila.
582Please respect copyright.PENANAXu4hv97qg3
Mga... ay, basta! Lecheng Valentine's Day talaga yan, puro masasakit sa mata ang pinapakita sakin.
Halos magsalubong na ang kilay ko sa sobrang inis at ngitngit nang sa wakas ay makapara ako ng taxi.
582Please respect copyright.PENANA0tZ6HbRuNv
Akmang bubuksan ko na ang pintuan nito nang may malaki at matigas na kamay na pumatong sa kamay ko.
582Please respect copyright.PENANA4EF7prarXP
Galit na binawi ko ang kamay ko para harapin ang kung sinomang gustong agawin ang taxi ko. Mas lalong nag-apoy ang dibdib ko sa galit nang makita ko ang mukha ng lecheng mangaagaw ng taxi.
582Please respect copyright.PENANAPPqZhrNUQG
Walang iba kundi si Emman Clouter. Ang gagong ex-boyfriend ko na nahuli kong nakikipaghalikan sa iba sa mismong araw ng Valentines Day. Tatlong buwan na 'yon eksakto mula ngayon.
582Please respect copyright.PENANAJNFb4cBFpP
Mula ng malas na araw na iyon, lumipat na ako ng tirahan at pinalitan ang phone number ko. Lahat ng pwedeng magpaalala sa kanya, sinunog ko. Hindi ko na rin s'ya kinausap o kahit pinakinggan man lang ang explanation nya. Wala na akong pakialam. Sapat na ang nakita ko.
582Please respect copyright.PENANAo2nC8pghUS
Mula rin ng araw na iyon napatunayan kong lahat ng lalaki magkakapareho. Ang tatay ko, ang kuya ko, maging s'ya at lahat pa ng kalahi ni Adan, lahat sila hindi marunong makuntento. Maghahanap at maghahanap ng ipupuno sa mga bagay na hindi mo kayang ibigay.
582Please respect copyright.PENANAFc4ygM6UH3
"Charlotte Smith! Small world, ha?" wika ni Emman ng may napakalaking ngisi sa mga labi. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa pintuan ng taxi.
582Please respect copyright.PENANADNZ9zUQFVA
"Malaki nga eh, pati demonyong tulad mo nagkasya," walang kurap na sagot ko sakanya. "Tumabi kang satanas ka nagmamadali ako!"
582Please respect copyright.PENANAGndXonUnfx
Ngumisi s'ya at binuksan ang pinto. Buong akala ko'y pinagbuksan n'ya ko ng pintuan ng taxi, ang damuhong kampon ng dilim, inunahan lang ako sa pagsakay!
582Please respect copyright.PENANAqiIBt6PDZP
"Leche kang hayop ka, bumaba ka dyan!" umuusok na ang mga butas ko sa ilong at tenga sa pangaasar ng damuhong 'to.
582Please respect copyright.PENANAJ18dmKYLHO
Ang lamig ng panahon pero kumukulo sa inis ang dugo ko. Bwiset! Kung hindi lang talaga labag sa batas ng Dyos at ng tao ang pumatay, matagal ko nang ginilitan sa leeg ang demenyong 'to.
582Please respect copyright.PENANAK3ZfudUaDA
582Please respect copyright.PENANAoXn3N8NGxs
"Ayoko nga, nauna na kong sumakay, ba't pa ko lalabas?" kampanteng sagot n'ya sakin at isinandal pa talaga n'ya ang likod niya sa upuan.
582Please respect copyright.PENANAJMKuTHUkQT
Basang-basa na ako sa ulan at ginaw na ginaw na rin ako. Nangangatog na ang mga tuhod ko sa sobrang lamig. Tumingin ako sa kalsada para humanap ng iba pang masasakyan pero bigo ako.
582Please respect copyright.PENANAIx6OdMDbQ7
582Please respect copyright.PENANAkMLnbgLcSh
"Ano sasabay ka ba?" tila naiinip pang tanong niya sa akin na nagpasama ng loob ko.
582Please respect copyright.PENANAXiMVn0qE2y
582Please respect copyright.PENANAOvl87bjh9F
Naalala ko dati, ni ayaw niya akong naaambunan dahil daw baka atakihin ako ng hika ko. Pero ngayon, basang basa na ako't lahat lahat, wala pa rin syang pakialam. Iniisip ko tuloy kung minahal n'ya nga ba ako.
582Please respect copyright.PENANAc43myQBUm2
582Please respect copyright.PENANA44ywhtNFPN
"Ano na? May pupuntahan pa ako!" sigaw n'ya sa akin. Anak talaga ito ng dilim eh, nang-agaw na ng taxi, nagawa pa akong sigaw-sigawan.
582Please respect copyright.PENANAHvERwmyMxO
582Please respect copyright.PENANA8yXYunsBGw
Masamang tinitigan ko s'ya. Humugot ako ng malalim na hininga bago padabog na sumakay sa taxi.
582Please respect copyright.PENANA4sJeLtWAcQ
582Please respect copyright.PENANAgYTrZWTCmo
"Sasakay din pala ang dami pang arte," dinig kong bulong n'ya kaya pinanliitan ko s'ya ng mga mata.
582Please respect copyright.PENANAFnmSWDRBpJ
582Please respect copyright.PENANABORaCzy6VH
Inirapan lang ako ng gago. Bwiset talaga! Ang ginaw pa naman.
582Please respect copyright.PENANA83lnLKwE1t
582Please respect copyright.PENANAvP0T05Mf0p
"Manong pakihinaan naman ang aircon n'yo, maginaw na po eh," mahinhing pakiusap ko sa driver.
582Please respect copyright.PENANAxyeQ9Z69pt
Nanginginig na ako sa ginaw at ramdam ko na rin ang panunuot ng lamig sa likod ko. Unti-unti na ring nagiging mabigat ang bawa paghugot kn ng hininga.
582Please respect copyright.PENANAoLbcPt3mnD
"Naku, pasensya na po kayo ma'am, nakarekta na kasi yan sa makina kaya hindi po pwedeng hinaan. Kapag pinatay po natin kailangan po pati makina," paumanhin ni manong drayber sa akin na nagkakamot pa ng batok.
582Please respect copyright.PENANAqfLqt2e8Ih
"O-okay lang po manong," kiming sagot ko kahit na ang totoo ay nayayamot na ako sa kamalasan ng araw na ito.
582Please respect copyright.PENANA1GCDBtHHvT
Humalukipkip na lang ako at niyakap ang sarili ko. Salubong ang kilay na sumilip ako sa katabi ko na prenteng nakaupo lang at nakapikit.
582Please respect copyright.PENANASdVG9138F6
Sumasama ang loob ko sa hayagang pagpapakita n'yang wala na s'yang pakialam sa akin. Kahit kaplastikan man lang sana ay ialok n'ya sa akin ang jacket n'ya. Wala talagang kwenta ang anak ng dilim na ito. Ano bang minahal ko sa lecheng 'to?
582Please respect copyright.PENANApxdpDWqjKg
Sinandal ko na lang ang ulo ko sa bintana pero wala pang isang minuto nang manikip ang dibdib ko at mahirapan akong huminga. Kinalkal ko ang bag ko para kunin ang inhaler ko ngunit bigo akong mahanap iyon.
582Please respect copyright.PENANAXEZGJ9FEBc
"Shit!" mura ko dahil inaatake ako nang hika ko at tanging 'yon lang ang makakapagpakalma sa akin. Halos baligtarin ko na ang bag ko pero hindi ko parin mahanap iyon.
582Please respect copyright.PENANAcF0HrVlUOC
Naiwan ko nga pala iyon sa desk ko kanina dahil sa pagmamadaling umuwi. Pilit kong pinapakalma ko ang sarili ko para kahit paano'y lumuwang ang daloy ng hininga ko subalit lalo lamang akong nahirapan. Para akong tumakbo papunta at pabalik ng EDSA sa sobrang tindi ng hingal ko.
582Please respect copyright.PENANACx7x9pOOKh
"Charlie, what's wrong?" tanong sa akin ni Emman. Bakas na bakas ang pagaalala sa mukha niya. Lumapit s'ya sa akin at hinawakan ang leeg ko. "Shit! Ang init mo," sabi niya na agad binawi ang kamay n'ya sa leeg ko.
582Please respect copyright.PENANA3AXvYIiDJ8
Hindi ko siya masagot dahil hirap na akong magsalita. May kinuha siya sa bulsa ng jacket niya at itinapat iyon sa bibig ko. Laking pasalamat ko nang mapagtanto kong inhaler iyon.
582Please respect copyright.PENANA3wCDfPQtkT
"Breathe sweetheart," wika niya kasabay ng pagpindot sa inhaler. Huminga ako ng malalim at hinayaang pumasok sa sistema ko ang hanging ibinuga ng inhaler sa bibig ko. Dalawang pindot pa at bumalik na sa normal ang paghinga ko.
582Please respect copyright.PENANA3jmXs8faUM
Kapwa kami muntikan ng mapasubsob ni Emman nang biglang tumigil ang sinasakyan naming taxi.
582Please respect copyright.PENANAARRxbrUhOI
"Anong problema Manong?" dinig kong tanong niya sa taxi drayber.
582Please respect copyright.PENANAOQeFZDeGGI
"Sir, nasiraan po tayo. Dito po muna kayo at may alam akong talyer malapit dito. Tatawagin ko lang po ang mekaniko," hiyang-hiyang sabi ng driver sa amin. Hindi na niya kami hinintay sumagot, bumabana s'ya ng taxi at umalis.
582Please respect copyright.PENANAYfnmVxruPB
Ipinagpasalamat ko na ring namatay ang makina ng sasakyan dahil nabawasan ang lamig na bumabalot sa akin.
582Please respect copyright.PENANAYF2WWJGFlo
"Tanggalin mo yung damit mo," ani Emman sa akin na nakapagpalaki ng mga mata ko.
582Please respect copyright.PENANA6q7TtyYeSE
Nasisiraan na ba siya ng bait at sa ganitong panahon niya pa ako binalak na manyakin?
582Please respect copyright.PENANA4N4SxYTm7O
"A-ano?" gulat na tanong ko sa kanya.
582Please respect copyright.PENANAjW8kEeFl3z
Hinubad niya ang jacket niya at tila ba inip na inip na tumitig sa akin. "Tanggalin mo yung damit mo para mapalitan," muling sabi nya. Nakahinga ako ng maluwag.
582Please respect copyright.PENANAjwLwxsbox1
"Tumalikod ka!" angil ko sa kanya na sinunod naman niya. Kinuha ko ang jacket sa kamay niya at hinubad ang damit ko. Mabilis na isinuot ko ang jacket niya. Nanunuot ang pabango niyang naiwan sa jacket niya sa ilong ko.
582Please respect copyright.PENANAC8HNoO1zdn
Ipinilig ko ang ulo ko bago ko pa muling maalala ang mga nakaraan naming dalawa. Isinara ko na lang ang jacket at muling niyakap ang sarili ko.
582Please respect copyright.PENANA3rgGynknOX
"Tapos ka na ba?" inip na tanong n'ya na sinagot ko lang ng mahinang 'oo'. Humarap s'ya sa akin at niyakap ako ng mahigpit na s'ya namang ikinabigla ko.
582Please respect copyright.PENANAjjOe4g8Lwl
"A-anong ginagawa mo?" gulat na tanong ko sa kanya.
582Please respect copyright.PENANA7lMuzA0xbj
Hindi siya agad sumagot bagkus ay niyakap lang ako ng mas mahigpit. Ang isang braso niya ay nakayakap sa balikat ko habang ang isa'y nasa baywang ko.
582Please respect copyright.PENANAIQ3ZCvjj7x
"Para hindi ka na lamigin. Diba sabi ko sayo noon ako ang magiging jacket mo? Kaya lang iniwan mo na lang ako bigla," malungkot na saad niya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. "Hinanap kita pero hindi naman kita nakita. Tinawagan kita pero hindi naman kita makausap. Ano bang nangyari sa ating dalawa sweetheart?" ramdam na ramdam ko ang kalungkutan sa boses niya.
582Please respect copyright.PENANAWmSYW0fGj9
Naguunahan ang mga luha ko sa dami ng emosyong muling bumalik sa puso ko. "Alam mong hindi kita iiwan ng walang dahilan," puno ng hinanakit na saad ko sa kanya. "Nakita kitang may kahalikang iba, inakala kong ayaw mo na sa akin kaya ka naghanap ng iba," hindi ko na napigilang mapahikbi sa sobrang sakit na muling bumalik sa isip ko.
582Please respect copyright.PENANAdsBHhh8CPp
Iyong mga araw na nakakatulog ako sa pag-iyak at muling gigising para umiyak lang. Mga araw na ni huminga hirap akong gawin dahil pakiramdam ko trinaydor ako ng kalahati ng kaluluwa ko.
582Please respect copyright.PENANA4VOgbUy7XI
"Kahit kailan hindi ako naghanap ng iba, alam mo kung gaano kita kamahal Charlotte na ni tumingin sa iba hindi ko na magawa."
582Please respect copyright.PENANAb0DpDAR4Px
"Pero nakita kitang may kahalikang iba!"
582Please respect copyright.PENANAeMt6YJGt83
"Siya ang humalik sa akin, Charlotte kung nagtagal ka lang ng kahit isang minuto pa, nakita mo sana kung paano ko s'ya tinulak. Basta ka na lang umalis ng walang pasabi. Ni hindi mo sinabi sakin kung bakit. Iniwan mo na lang ako bigla. Ni hindi mo ako binigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili ko sayo!" dinig ko ang bawat galit, sakit at hinanakit sa bawat salita n'ya. At bawat salitang iyon ay kumakalabit sa puso ko.
582Please respect copyright.PENANAETLEijMoQS
Nagkamali nga ba ako? Mali ba talaga ang naging desisyon ko?
582Please respect copyright.PENANARsAhOQyRxM
Oo ang kapwa sagot ng puso't konsensya ko. Naging makasarili ako. Mas pinili kong gamutin ang sakit ng damdamin ko kaysa pakinggan ang paliwanag niya. Naging duwag ako. Mas pinili kong lumayo at talikuran ang problema namin kaysa harapin ito ng kasama siya. Iniwan ko siyang mas higit na nasaktan. Iniwan ko ang tanging lalaking mahal ko ng nasasaktan.
582Please respect copyright.PENANAcgp3Y7dvNm
Humarap ako sa kanya at niyapos ang mukha n'ya. "So-sorry," taos pusong hingi ko ng kapatawaran. Lumuluha parin ako at patuloy na humihikbi. "Sorry... sorry... sorry," iyon lang ang salitang kaya kong sabihin dahil sa pag-iyak ko.
582Please respect copyright.PENANAOY0VuoQXLm
Iniangat n'ya ang mga kamay niya at pinunasan ang mga luha ko. "Tahan na. Ang mahalaga nahanap na kita. Hindi pa naman ako huli, diba? Mahal mo parin naman ako, tama?" naluluha ding tanong niya.
582Please respect copyright.PENANA3tmLp0FHzW
Hindi ko na kailangang kapahin pa ang sarili ko dahil hindi naman nagbago ang pagmamahal ko sa kanya. "Oo, tama, mahal na mahal pa rin kita," isinandal ko ang mukha ko sa palad niyang nakahawak pa rin sa pisngi ko.
582Please respect copyright.PENANA2QVfkxZxwI
"Akin ka pa rin naman diba?"
582Please respect copyright.PENANAxyROObPMAN
"Iyo lang."
582Please respect copyright.PENANAK9ow9lv66a
Tinitigan niya ang mga mata ko at pagkatapos ay ang mga labi ko. "Mahal na mahal parin kita Charlie, sweetheart," buong pusong pahayag niya bago niya ibinaba ang mukha niya at pinaglapat ang mga labi namin.
582Please respect copyright.PENANAK4gYWvnbnU
Bawat pagmamahal, bawat pananabik at bawat pagpapatawad ay inilabas namin sa halik na iyon. Kapwa kami humihingal nang matapos ang halikang iyon. Hinila niya ang ulo ko at isinubsob sa dibdib niya.
582Please respect copyright.PENANA7j8mlsyKtW
"Huwag mo na ulit akong iiwan ng dahil lang sa nakita mo ha?" malumanay na saad niya.
582Please respect copyright.PENANAeKfis45Acu
"Hindi na," sagot ko sa kanya. Pinapangako ko sa sarili kong mas pagkakatiwalaan ko siya at makikinig sa mga paliwanag niya.
582Please respect copyright.PENANAuRQItmAmDB
Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at niyakap rin ang baywang niya.
582Please respect copyright.PENANAs74Srg3QOn
Nasa ganong posisyon kami nang bumalik ang taxi driver. "Tayo na po, ma'am,sir?" tanong niya ng may napakalawak na ngiti sa mga labi niya.
582Please respect copyright.PENANAwCCvHckDhE
582Please respect copyright.PENANAhjaaoBj1tJ
"Tayo na po Manong," sabay na sagot namin ni Emman na sabay din naming ikinatawa.
582Please respect copyright.PENANAF6IZ3q2D61
582Please respect copyright.PENANAMBT9lA9HNf
Tatlong buwan man ang nasayang namin ni Emman, pareho naman kaming may natutunan. Ang tatlong pundasyon ng pag-iibigan, ang pagmamahal, tiwala at komunikasyon.
582Please respect copyright.PENANAq8rP5xCcsF
582Please respect copyright.PENANAt8Bc6ND0LT
Dahil kapag ang tatlong iyan ang naging haligi ng relasyon, anumang lindol ang yumanig, tiyak na hindi ito magigiba.
582Please respect copyright.PENANAp1Z882gbBM
ns216.73.216.204da2


