5 minutes at 59 seconds na nang maibalik sa laro si Sakuragi. Sa pagkakataong iyon, pinalitan ni Kaede Rukawa si Kiyota, habang sa Team B naman ay pinalitan ni Harikawa Harimoto si Jin.
82Please respect copyright.PENANAmheFNLf6AS
Ilang sandali pa, nagpatuloy ang laro. Nasa Team A ang ball possession. Habang idinidribble ni Maki ang bola, mahigpit ang depensa ni Akuma, at hindi niya magawang tibagin ito. Dahil hindi malusutan ang depensa, ipinasa na lamang ni Maki ang bola kay Harikawa. Pagkasalo ni Harikawa, mabilis siyang nag-dribble, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, natapik ni Hachimura ang bola sa mga kamay niya. Bago pa ito tumilapon sa labas ng court, tumama ang bola sa kaliwang paa ni Harikawa, na nagresulta sa turnover.
82Please respect copyright.PENANATi1VRvCJv3
"Nice hustle play, Hachimura!" napapangising wika ni Dave habang tumatakbo patungo sa kanilang court.
Ngayon, nasa Team B na ang ball possession. Habang idinidribble ni Akuma ang bola, mahigpit ang depensa ni Maki. Akmang aagawin ni Maki ang bola, ngunit mabilis namang nakaiwas si Akuma. Pagdating sa half-court, ipinasa niya ang bola kay Hachimura.
82Please respect copyright.PENANAzGjUTfYwUG
Pagkasalo ni Hachimura, nag-double crossover siya—hindi inaasahan ni Harikawa—at mabilis na nakalusot sa depensa. Ilang sandali pa, gumawa siya ng behind-the-back pass na sakto sa mga kamay ni Sakuragi, na nakapuwesto sa left side ng 3-point area.
82Please respect copyright.PENANA6p6LwS0qyB
Walang pag-aalinlangan, itinira ni Sakuragi ang bola. Sinubukan siyang pigilan ni Sendoh, ngunit nabigo ito. Dahil sa mahusay na bitaw ni Sakuragi, pumasok ang tira—dagdag puntos muli para sa Team B.
82Please respect copyright.PENANAN2BMvj421o
Score: 81–55, 5 minutes at 7 seconds na lang ang natitira sa huling yugto ng laro.
"Wala na! Mukhang hindi na mahuhuli ng Team A ang kalamangan ng Team B, kaunting oras na lang ang natitira!" wika ni Haruko habang nakatingin sa court.
Biglang dumating si Jasmin at nagulat sa laki ng lamang ng Team B.
82Please respect copyright.PENANAqqiGUsimBu
Sa pagpapatuloy ng laro, sinubukan pa rin ng Team A na habulin ang kalamangan, ngunit palaging may sagot ang Team B. Dahil sa mahigpit na depensa ni Sakuragi, halos hindi maka-score si Sendoh. Bago tumunog ang buzzer, nagawa pa ni Sakuragi na ipasok ang kanyang half-court shot, kaya natapos ang laro sa score: 96–75.
Napuno ng hiyawan at sigawan ang buong Kanagawa Basketball Gym sa magandang laban. Ilang sandali pa, nagkamay ang mga players ng Team A at Team B.
"Congratulations sa inyo!" nakangiting wika ni Fujima sa Team B.
82Please respect copyright.PENANAZxHY1Qf9Wr
"Ibang-iba ka na talaga, Sakuragi! Ang layo na ng narating mo! Dati, madaling agawan at lusutan ka lang, pero ngayon, ang hirap mo nang lusutan! At ang tibay na rin ng katawan mo sa under the basket—halos hindi ka maitulak!" napapangising wika ni Sendoh.
82Please respect copyright.PENANA3KFbtNnGsB
"Hindi ko maaabot ito kung hindi dahil sa mga taong nagtiwala sa akin, lalo na ang mga kaibigan na hindi ako iniwan mula noong nagsimula akong maglaro hanggang dito sa kinalalagyan ko ngayon," tugon ni Sakuragi, sabay tingin sa apat na ungas. Napangiti sina Mito, Takamiya, Noma, at Okiso sa sinabi niya.
82Please respect copyright.PENANAiTcv2JbwSN
"At hindi ko rin maaabot ang pangarap ko kung hindi dahil sa isang babaeng nagbigay pag-asa sa akin at nagbago ng buhay ko," muling wika ni Sakuragi, sabay tingin kay Haruko, na nakangiti.
82Please respect copyright.PENANAnZittLCzsY
"Teka lang, Pre… parang hindi na ikaw yung Sakuragi na kilala namin! Ang kilala namin ay barumbado sa pagsagot!" wika ni Kiyota.
82Please respect copyright.PENANAQC47vjgQiF
"Ah iyon ba? Binago ko iyon kasabay ng pag-iiba ng direksyon ng buhay ko. Hindi na ako yung dating gunggong na makipagbasag-ulo at maglakwatsa. Ganoon lang ang ugali ko noon kapag may nakaharap na mayabang o barumbado," tugon ni Sakuragi, na ikinangiti ng lahat.
"Wala talaga akong masabi sa iyo, Sakuragi! Ibang-iba ka na!" wika ni Sawakita.
82Please respect copyright.PENANAE7cczeUvhF
"Siyempre! Henyo ako eh!" tugon ni Sakuragi kay Sawakita, sabay tawa nang malakas.
82Please respect copyright.PENANAwpqdmlseyV
"Gunggong!" pang-aasar ni Rukawa kay Sakuragi, at nagtawanan silang lahat.
Makaraan ang isang oras, nagsimulang umalis ang mga estudyante sa gym, habang sina Haruko, Jasmin, at ang apat na ungas ay nanatili upang marinig ang sasabihin ni Coach Osaka.
82Please respect copyright.PENANAG2NyN53RaI
"Team! Makinig kayo! Pagkalipas ng isang buwan, gaganapin sa Kanagawa Gymnasium ang College Matches, kung saan makakalaban natin ang pinakamahusay na college basketball teams sa buong Japan. Kailangan nating mag-practice nang mabuti at paghandaan ang lahat ng magiging kalaban natin," paliwanag ni Coach Osaka.
82Please respect copyright.PENANA2rjL5cij9N
"Sa laban kanina, nakita namin na lahat kayo ay magagaling. Kumpleto na ang ating team, ngunit kailangan nating magdagdag ng isa pang center, dahil dalawa lang ang nasa center position—sina Dave Ishida at Tooro Hanagata."
82Please respect copyright.PENANAMAyGbkiOsE
Napaisip ang lahat. Wala silang kilalang iba pang player sa posisyon ng center. Biglang napalingon ang lahat sa pintuan ng gym. Dumating ang isang matangkad na lalaki, kilala nina Sakuragi, Kenzo, at Rukawa bilang dating teammate sa Shohoku High School Basketball Team. Siya ay Satoru Sasaoka, first year, at ang posisyon niya ay center.
82Please respect copyright.PENANAEQnd6aEQHX
82Please respect copyright.PENANALLgLXeSxoK
TO BE CONTINUED…
82Please respect copyright.PENANAbSPPF421LE
82Please respect copyright.PENANAYxH4mcE09q


