Scene 1
1:25 PM
Puerto Princesa University, Classroom, Palawan, Philippines
88Please respect copyright.PENANAt4pSCf0lIm
Pagkatapos nilang makausap si Dean Salazar, naglakad sina Dan Asusano Hinarez, Roy Alcantara Reyes, at Gustavo Abara Villanuevo pabalik sa kanilang classroom. Ang bawat hakbang nila ay maingat, ang bawat galaw ay abala sa kanilang iniisip-ang misyon mamayang alas-dos ay naroon sa isip nila, at kailangan nilang maghanda.
88Please respect copyright.PENANA0DrY80yKdf
"Okay, kailangan nating kunin lahat ng gamit para sa mission," wika ni Dan habang binubuksan ang locker niya, at naglalagay ng maliit na bag na puno ng kagamitan.
88Please respect copyright.PENANAIEpyJA5Iut
"Oo, at kailangan nating siguraduhin na hindi magtataka ang instructor," dagdag ni Roy, habang inaalala ang kahihinatnan kung ibubunyag nila ang totoong dahilan.
88Please respect copyright.PENANA6TJ35Er9jc
"Mas maganda kung simple lang ang dahilan," paliwanag ni Gustavo nabang hawak ang notebook at mga gamit. "Kung sasabihin natin na may magical mission tayo, baka isipin nila na baliw tayo."
88Please respect copyright.PENANARyrjgN4MIP
"Tama," sagot ni Dan. "Masakit ang tiyan, masama ang pakiramdam natin o kaya naman ay may lagnat. Yan ang pinaka-praktikal at kapani--paniwalang dahilan."
88Please respect copyright.PENANAY06tHmG3v2
Pagkatapos nilang ayusin ang kanilang gamit, naglakad sila papunta sa instructor at nagpaalam. "Pasensya na po, hindi po kami makakapasok ngayong hapon," wika ni Dan. "Medyo masakit po kase ang tiyan ko at parang lalagnatin po ako ma'at."
88Please respect copyright.PENANAldhPZPC2BJ
"Ah, naiintindihan ko," sagot ng instructor at hindi na nagtanong pa. "Ingat kayo ha."
88Please respect copyright.PENANAPV1u76BhBV
"Salamat po," sagot nina Roy at Gustavo pagkatapos ay sabay na ngumiti at lumabas ng classroom.
88Please respect copyright.PENANAuh7qneCgAa
Nang makalayo na ang tatlo, nakatayo naman sa gilid ng corridor ang limang Bangkilan na sina Mira, Miraida, Estela, Alice, at May at nakinig sa buong pangyayari. Ramdam nila ang bawat galaw at salita ng tatlong lalaki, bawat dahilan na binanggit sa instructor. Ang kanilang mata ay nakatuon kay Dan, at sa bawat hakbang, ang planong pagdukot ay unti-unting nabubuo sa isipan ng bawat Bangkilan.
88Please respect copyright.PENANAx6iy1QyUeM
"Parang simple lang ang dahilan nila," bulong ni Mira sa kanyang sarili, ang mga mata'y naka-focus kay Dan habang lumalakad pabalik sa labas ng classroom. "Ngunit hindi nila alam na may plano kami... at mamayang hapon, magiging iba ang lahat ng pangyayari."
88Please respect copyright.PENANAmPhMXMwbWf
Si Alice naman ay nakatingin rin kay Dan, bahagyang ngumingiti. "Sila ay abala sa dahilan nila, pero hindi nila alam ang gagawin namin. At hiinding hindi nila makakalimutan ang susunod na encounter mamaya."
88Please respect copyright.PENANAzvyBUZ6rTo
"Oo, kailangan nating magplano nang maigi," dagdag ni May, ang mga mata'y naglalaman ng intensity at focus. "Hindi puwedeng pumalya ulit. Ang target ay hindi lang si Dan. Isama na natin sina Roy at Gustavo sa dudukutin."
88Please respect copyright.PENANAunajwbjCKE
Si Estela naman ay tumango habang nakapikit sa sandaling iyon at pinoproseso ang lahat ng nakita at narinig. "Ang bawat hakbang natin ay dapat precise. Ang oras ay limitado, at ang tatlo ay mabilis at alerto. Pero puwede natin silang mahuli kung maayos ang strategy natin."
88Please respect copyright.PENANA2OO0ZEfXiA
Si Miraida ay tumingin kay Mira at nagbigay ng maliit na senyas. "maghanda na tayo. Ngayon, kailangan nating planuhin ang lahat ng galaw nang walang mali."
88Please respect copyright.PENANACx2UAoirsV
Sa pagtapos ng lunch break at pagkatapos makaalis ang tatlong lalaki, lumabas din ang limang Bangkilan sa classroom, nagpaalam rin sa instructor. Tulad ng ginawa nina Dan, Roy, at Gustavo, nagbigay sila ng ibang dahilan na karaniwang rason na ginagamit ng mga estudyante, tulad ng personal na lakad o kailangang magdala ng urgent na dokumento upang hindi magduda ang instructor.
Ngunit sa isip ng bawat Bangkilan, iba ang nangyayari. Ang dahilan ay kinwari lamang; ang tunay nilang iniisip ay ang planong susunod na pagdukot kay Dan, kasama na ang pagdamay kina Roy at Gustavo. Ang bawat galaw, bawat salita, at bawat pag-iwas sa pagtuklas ay bahagi ng kanilang taktika.
88Please respect copyright.PENANAgXzyL9VeDH
At sa gilid ng corridor, nakatayo si Mira, ang mga mata'y nakatuon sa tatlong lalaki, habang iniisip ang lahat ng detalye sa hapong iyon. "Hindi ito madali," bulong niya sa sarili, "pero sa susunod, magiging perpekto na ang pagkakataon. Kailangan lang nating maging maingat at mabilis."
88Please respect copyright.PENANArAIX5TB4ww
Ang bawat isa sa limang Bangkilan ay nagpatuloy sa kanilang tahimik na pagmamasid, nakapaloob sa kanilang sariling stratehiya ang wnumang plano na kanilang isasakatuparan. Ang ordinaryong pangyayari sa classroom ay nagbigay ng pagkakataon sa kanila na magplano, mag-coordinate, at ihanda ang susunod na hakbang tungo sa isang simula ng mas kumplikadong abduction attempt na magdadala ng tensyon at aksyon sa buong campus sa hinaharap.
88Please respect copyright.PENANAQtTWiMehEJ
88Please respect copyright.PENANACiKqIl8pAD
Scene 2
1:35 PM
Kuta Ng MgaBangkilan, Palawan, Philippines → Daan patungo sa barangay
88Please respect copyright.PENANAGw9W7NKBkU
Pagkauwi ng limang Bangkilan sa kanilang kuta, tahimik ang paligid. Ang bawat galaw ay sinisiyasat, bawat sandali ay pinagpaplanuhan nang mabuti. Nasa isip ng bawat isa ang susunod na hakbang: ang pagdukot kay Dan Asusano Hinarez.
88Please respect copyright.PENANAmBnRrqj8EF
"Ako na ang bahala kay Dan," wika ni Mira, ang mga mata'y nagliliwanag, puno ng determinasyon. "At sa natitirang apat, kayong bahala na kina Roy at Gustavo."
88Please respect copyright.PENANAFz05q1fh1k
"Handa na kami," sagot ni May pagkatapos ay tumango habang mga mata ng iba pang Bangkilan ay nakatuon sa mapa at detalyado nilang pinag-aaralan ang lahat ng posibleng ruta ng tatlong binata.
88Please respect copyright.PENANACsTL8DMNK7
"Ang bawat galaw natin ay dapat precise. Walang puwang ang pagkakamali," dagdag ni Alice habang sinusuri ang mga mystical tools at ritual implements.
88Please respect copyright.PENANA1y2bLFIuiN
Ngunit ang hindi nila alam, sa ilalim ng kanilang lihim na plano, may nagbabantay. Ang mga insekto na alaga ni Dan, bawat isa ay naglalakbay sa paligid ng kuta at naglilipat ng impormasyon sa pamamagitan ng magical vibration, isang uri ng silent communication na nakakarating sa isipan ni Dan. Ang bawat detalyeng pinagplaplano ng mga Bangkilan ay naipapadala sa kanya nang hindi nalalaman ng mga Bangkilan.
88Please respect copyright.PENANAjblxBTTd2y
"Hmm... Mukhang may bagong impormasyon," bulong ni Dan sa sarili habang naramdaman ang banayad na vibration sa paligid. "Hindi nila alam na may tagamasid na nagpapadala sa akin ng signal. Kakailanganin nating maging mabilis sa barangay na pupuntahan natin mamaya."
88Please respect copyright.PENANAcoIe3mT1oy
Samantala.. Hindi slam ng lahat na ang flying kiss na iniwan ni Dan kay Mira noong nakaraang encounters ay hindi lang basta gesture. Isa itong orasyon na tinatawag na 'Palipad-Hangin', isang mystical mark na minarkahan ni Dan si Mira at ang iba pang Bangkilan. Ramdam ni Dan ang presence ng mark, at nakokontrol niya kung hanggang saan nila maabot ang aura ng mga Bangkilan at ang abilities ng mga ito. Kaya kahit na ang Bangkilan ay bihasa, hindi nila alam ang eksaktong limitasyon ng kanilang powers patungo kay Dan.
88Please respect copyright.PENANA5dBbysqjkl
Samantala, sa daan patungo sa barangay na pinamumugaran ng mga masasamang Mangkukulam ay naglalakbay sina Dan, Roy, at Gustavo. Tahimik at maingat, bawat hakbang ay kanilang sinusukat, bawat galaw ay may pakay at layunin.
88Please respect copyright.PENANARbCjSPHFTr
"Roy, kung makakaranas tayo ng abala, handa ka ba na tumulong?" tanong ni Dan habang naglalakad.
88Please respect copyright.PENANAAmzCMu754U
"Oo, ako na ang bahala sa mystical support," sagot ni Roy habang matamang nakatingin sa paligid. "Kung kailangan natin ng extra force, gagamitin ko ang abilities ko bilang Antingerong Albularyo."
88Please respect copyright.PENANA5ZtIZMWVv6
"At ako rin," dagdag ni Gustavo, ang mga mata'y nagliliwanag. "Ang mga Engkanto ay may ilang illusions at may manipulation tricks din ako para protektahan ka at tulungan ka sa mission."
88Please respect copyright.PENANAToXt4OXT9B
Habang naglalakbay sila, ang mga insekto ay dumating sa kanila, nagbigay ng subtle na vibration signals, isang paalala kung ano ang plano ng mga Bangkilan sa kanilang kuta. Sa isang split second, naintindihan nila na pagkatapos ng mission sa barangay ay aabangan sila ng limang Bangkilan.
88Please respect copyright.PENANA8ouVNwDyiE
"Okay," wika ni Dan, ang mga mata'y naglalaman ng focus at strategy. "Ako ang magiging target ng plan ng mga Bangkilan. Kayong dalawa, Roy at Gustavo, ay hihingi ng tulong mula sa inyong mystical sources, anh mga Antingerong Albularyo at Engkanto. Kung kailangan, gagamitin natin ang lahat ng resources."
88Please respect copyright.PENANAFevurqSXJ2
"Got it," sabay na sabi nina Roy at Gustavo, ang bawat isa'y may halong excitement at alertness. "Magiging mabilis at maingat tayo. Hindi natin puwedeng pabayaan o isantabi ang misyon na ito."
88Please respect copyright.PENANAqu0eWbH4DU
Ang bawat hakbang nila sa daan ay puno ng strategy, anticipation, at precision. Ang mga Bangkilan sa kuta ay abala sa sariling planning, ngunit ang bawat galaw ay silent na naobserbahan ni Dan at ng kanyang mga kaibigan. Ang magical espionage gamit ang mga insekto at ang palipad-hangin orasyon ay nagbigay sa kanila ng advantage, isang subtle, ngunit napakalakas na paraan upang maunawaan ang galaw ng kalaban nang hindi nahahuli.
88Please respect copyright.PENANAZhhp83Ua4s
Sa kabila ng tensyon, ramdam ng bawat isa sa mga Bangkilan at ng tatlong lalaki na ang susunod na encounter ay magiging kritikal, isang maingat at mabilis na laban na magpapakita ng mystical skills, strategic planning, at ang kahalagahan ng bawat galaw sa mundo ng mga Bangkilan at Dibinong Mangkukulam.
88Please respect copyright.PENANA72JUAMPKW0
88Please respect copyright.PENANA5gXINvB2Xq


